read.cash Log in
@JeshiRu more from that month

Mga tao: Ang lusog bakit may Pneumonia? (Pediatrician was asking me if may naninigarilyo ba sa bahay?) Me: YES. Pedia: Yun ang pina ka unang dahilan bakit nagkaroon ng plema ang baga ng bata. Ang smoke o 2nd hand smoke galing sa mga taong mahilig mag yoyosi ay mas matindi pa ang sasapatin ng nakakalanghap nito kesa sa naninigarilyo. Ang usok ay may nicotine at iba pang chemicals na maaring makakasira sa kalusugan ng tao (sa bata pa kaya)? Pag once maka langhap ang bata ng usok ng sigarilyo ay unti unti nitong sinisira ang baga habang binabalot ito ng nicotine dahilan ng mabilis na pagdikit ng ibat ibang uri ng bacteria at plema kasi habang sinisira ng nicotine ang lungs o baga ay mawalan ng kakayahang lumaban ang lungs na i release ang mga nka dikit na bacteria sa kanya hanggang sa dumarami ito. At ito yung sanhi kong bakit mahihirapan ang batang huminga dahil ang daanan ng hangin halos matatakpan ng ng plema. Mas prone ang bata sa pneumonia lalo na di sila marunong lumungad ng plema, kung hahayaan ito maaaring magiging sanhi ng pagkamatay .Once na admit ang bata dahil sa pneumonia dapat ay umiwas na sa usok ng yosi, sapagkat the more may nagyuyusi the more din mabilis magkakasakit si baby at mas lumala pa. Me: Paano kami maka iwas na mismong membro ng bahay namin ay may gumagamit ng yosi?, hal.(lolo, papa, mga aunte, uncle, may iba nga sariling ina, minsan mga bisita) paano kami maka iwas kung ayaw nila maniwala at makinig sa amin? Pedia: sabihin mo silang layas! Bawal sa bata ang usok, o kahit pa kakatapos lang ng paninigarilyo at lumapit o halik agad sa bata ay bawal. Maaring may bacteria parong naiwan sa kamay at bibig ng mga naninigarilyo na maaring lumipat sa bata. Kailangan bago lumapit sa bata pagkatapos mag yosi na distansya sa bata ay mag hugas muna ng kamay at toothbrush kailangan uminom ng tubig para siguradong safety na ang bata. Me: kadalasan gingawas nila nagyoyosi sa harap ng bata, hawak agad kahiy di pa tapos mag yosi halik agad. Kaya pala😰. Pedia: kung ayaw nila makinig pag magkasakit ang bata obligado din sila nun? Sino mamomroblema pa gamot sa bata damay din sila nun!? Kung mahal nila ang bata, iwasan nilang malagay sa alanganin ang kalusugan nito. Dahil unang una bata ang kawawa at mas apiktado hindi ang mga gumagamut ng segarilyo ! Ang karamdamang di dapat sa bata sila ang nagdurusa sa sakit at luha! Me: ano po ba symptoms na may pneumonia na ang baby? Pedia: *ubo (kahit di gaano lagi inuubo si baby) *Hirap huminga (mabilis ang paghinga na parang naghahabol dahil yan barado na ng plema ang daanan ng hangin n baby sa lungs kahit wala syang sipon at tingnan ang tummy ni baby dun malalaman kung mabilis ba syang huminga) *halak sa lungs ( paringgan niyo ang dibdib o likod ni baby kong may halak bah.. Lalo na pag matulog akala nyung hilik is plema na pala. Pag normal na halak sa bandang lalamunan niyo lang madinig pag may pneumonia na every hinga ni baby is parang may tunog na) **ipa check up agad kung nasa 4 pataas na araw na ang ubo ni baby.** Ps: sa lahat ng gumagamit ng sigarilyo please keep distance from children before using the smoke. Alam niyo na yan dahil nakalagay yan sa cartoon ng segarilyo. "cigarette smoking is dangerous to our health" isipin niyo kapakanan ng bata wag puro sarili! Di yun kaartihan kundi para sa magandang kalusugan ni baby! Wag niyong antayin na ma admit pa anak niyo dahil sa lintik na segarilyo nayan! At mommy ang pneumonia di lang dahilan ng segarilyo, baka taka kayo walang segarilyo pro inuubo si baby. Malaki rin ang % sa laging matuyuan ng pawis ang likod. Delikado rin yun. Ingatan nlang pis si baby mas nasa ating mga kamay ang kanilang kaligtasan at buhay. Pag baby ang usapan wag agad maniwala sa mga sabi sabi o home remedies lang, like pagpapainom ng herbal kay baby, di po natin alam ang dosage ng gamot na pinapainom natin sa kanila at dosage na kaya lang ng katawan ng bata, kaya aware tayo jan, unang una nanay tao at di doctor. Kailangan humingi muna ng payo mula sa doctor bago magpatake ng ibat ibang gamot ni baby. . #CTTO

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.