read.cash Log in
@Jerome202012 more from that month

Lola

Isang miyembro ng pamilya na masasabi kong mahal na mahal nya ang bawat miyembro. Tulad ng aking lola na pumanaw dalawang taon na ang nakakaraan, masasabi kong isa siyang huwarang lola na sobra ang pagmamahal sa kanyang mga apo. Ang lola ko ay maipagmamalaki ko dahil kahit ako ay binatilyo na patuloy nya akong sinusuportahan at palaging tinatanung kung ako ay kumain na ba pagkagaling ko sa trabaho. Sa panahon na ang mga apo nila ay may sakit ang mga lola ay nag aaruga at kinakalinga ng sobra sobra. Kaya sa oras na siya ay nawala at pumanaw aking naramdaman ang sobrang sakit ng kanyang pagkawala. Ang mga lola ay maipagmamalaking tunay at ang pagmamahal na kanilang ipinapadama ay sobra sobra yung tipong isusubo na lang nila ay ibibigay pa sa kanilang mga apo. Kaya sa lahat ng mga lola Maraming maraming salamat po.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.