read.cash Log in
@Jerome202012 more from that month

Bukas Palad

Ang taong bukas palad ay maraming pagpapala ang matatamasa sa buhay tulad na lamang ng kasabihang mainam na magbigay kaysa sa ikaw ang binibigyan. Pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan ay tunay na magbibigay ng kasiyahan sa ating ama na nasa langit. Ang Diyos ang gagantimpala sa mga taong bukas palad. Sabi nga sa kanyang salita ikaw ay matutong magbigay at kaniya itong ibabalik sa hustong takal, siksik, liglig at umaapaw. Buksan mo ang iyong mga palad at ng makita mo ang mga tao na nais ituro sa iyo ng Diyos upang iyong tulungan. Pinagpapala ang tao upang maging pagpapala sa iba.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.