Share ko lang po sa inyo mga kanoise nangyari sa amin kagabi.. puyat nanaman po ang inyong lingkod.. hahaha Its about 12 midnight na po yun. Natutulog na ako nang biglang nag ring po ang celpon ko. Di ko alam kung bakit ako nagising ehh mahina lang naman po ang sounds ng cell ko.. sinagot ko po. Yung kapatid ko tumatawag sakin.. sabi nya kung nasa bahay daw ako.. sabi ko oo nasabahay ako natutulog na.. tulungan ko daw sya at nakabangga or nakasagi sya sa may cainta ng isang 4wheel din. Mitsubishi adventure po mga kanoise. Ohh sabi ko bakit anong nangyari bakit mo nabangga. Hindi daw nya natancha ang layo sa nakapark na adventure.. Tapos eto pa kinakainis ko sa kanya.. walang dalang lisensya, wlang dalang CERTIFICATE of REGISTRATION ng sasakyan. Kaya atun patung patong ang kaso nya.. sabi nya sa akin puntahan ko daw sya at dalhin lo yung CR ng sasakyan. Daanan ko daw sa bahay nila. Malapit lang naman po sa amin. Isang compound lang naman. Ayun kinuha ko sa kanila at umalis na ako.. pagdating ko dun sa site sa police station. Nagkasundo naman po sila nung nabangga nya.. binayaran nalang ng kapatid ko, 15K po ang hinihingi sa damage ng sasakyan. Umokey naman ang kapatid ko. Sabi ko san ka kukuha ng pera. Nang hiram muma sya sa boss nya on the spot nang gabing yun. Pinahiram naman po sya.. buti nalang st mabait yung may ari ng sasskyan na nabangga nya. Natawaran nya ngc10K. tinulungan pa sya sa mga violation nyang magawa. Para bitawan na sya ng mga pulis. Kasi mga po walang lisensyang dala at CR ng sasakyan.. Kinausap din ako ng hepe nila duon sa mga violation ng kapatid ko. Humingi nalang ako ng pasensya sa kanila at sabi ko. Himdi ko po nababantayan ang kapatid ko. Hindi ko rin po alam na wala syang dalang lisensya. Pasensya na po. Hayaan nyo po. Mag uudap po kami ng kapatid ko pagdating sa bahay.. Nag ok naman yung pulis. Wag na wag ko daw papayagan na mag drive kapatid ko pag walang dalang lisensya.. So ayun.. pinakawalan na sya ng mga pulis. At nakauwi na kami. Dumating po yata kami ng bahay mag 3am na ng madaling araw.. kaya eto puyat nanaman ako.. huhuhu Gandang hapon po sa lahat.. napakwento nanaman ako sa inyo. Kulang pa po yan. Madami pang story po kagabi. Hehehe #NoiseCash #AllAboutYou #2daysPuyat
2 comments
ako din po kuya ilan beses na muntik maaksidente kasi di nila dinig yung tunog ng motor ko super tahimik nya kasi, liliko na sila without lingon lingon both sides so ayun kamuntik muntikan palagi buti nalang malakas po ako kay Lord lagi nya akong ginagabayan sa mga byahe ko😇
Thankd God po lagi sa byahe natin. Kapatid ko kasi. Matigas ang ulo. Nag didrive ng walang lisensya.