read.cash Log in
J@JaydieF010 more from that month

Pagkamit sa pangarap dipa huli Ang lahat.

Pilipinas Lugar Kung Saan madami Ang mapangutya at mapanghusga, Yung tipong madapa kalang kukutyain kana ichichismis kana at kung ano ano pang maririnig. Sa bansang kapag umasenso ka imbes na ikay papurihan ibababa kapa. Isa ako sa mga taong nadapa at nangangarap lang beses ako nagkalami sa buhay ko at paulit ulit din ang mga masasakit na salitang naririnig ko, Lalo na sa mga kamag anak ko. Kung sino pa Yung inaasahan mong susuporta sayo sila payung mangungutya at hihila sayo pababa. Ngunit di ako nagpatalo at nagpadala sa mga ganitong pagsubok imbes ay ginamit ko Ito upang mag mas sumikap bumangon ako at nagpatuloy upang until until Kong makamit Ang aking mga pangarap. Oo ako ngay nabuntis noon, nakunan at iniwan ng kasintahan ito ay di naging hadlang upang akoy sumuko, bumangon ako nagsumikap at muling nagpatuloy sa pagaarala. Bagamat ngayoy may Asawa na ako ,para sa akin di parin huli ang lahat gagamitin ko ito bilang isang malaking inspirasyon at motibasyon upang magpatuloy sa aking pangarap. Isang taon na laman at akoy magtatapos na sa kolehiyo, ngunit Hindi lang Hanggang dito Ang nais Kong matupad. Minsan akoy nangarap upang maging isang abugado pagako ay nakatapos apat na taong kurso ito Naman Ang pagtutunan Ng pansin ko gagawin ko nav lahat para itoy matupad. Madami Ang mga taong tulad ko na Hindi naging hadlang Ang kahirapan at pagaasawa Ng maaga upang makamtam Ang inaasam na pangarap Basta masipag ka madiskarte at matiyaga pasasaan din at magatatagumpay ka.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.