Wrong move can make injury.

2 11
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Minsan may mga pangyayari na di natin inaasahan na ang akala natin ay Di mangyayari ,wrong move can make you injury. Kahapon nabangit ko sa aking article na halos buong gabi akong puyat before yesterday night kasi nga dumating ang alaga ko at kailangan ko mag luto ng kanyang mga gustong pag kain.

So kahapon halos buong maghapon akong nag luto ng pagkain .at pag katapos ko mag hain ng pag kain sa kanila at nalinis na ang buong kusina eh sabi ko sa amo kung babae ay matutulog muna ako kasi nga pagod at puyat ako.pag pasok ko sa kwarto namin ng aking alaga Di ko na ibinaba ang aking higaan kasi sandali lang naman akong maiidlip .kaya nag decide ako na doon matulog sa double deck doon sa higaan ng alaga kung lalaki na kambal.mga ilang minuto bumaba ako para mag cr.at dali dali akong bumaba Di ko na pansin na may dalawa pa palang baiting Yong hagdaan at Di naabot ng paa ko Yong sahig kaya mali Yong pag bagsak ng paa ko.na parang napa bigla.ramdam ko talaga na masakit at nag tuloy lang ako sa banyo at bumalik ulit ako ng tulog.

Ramdam ko Yong sakit pero di ko pinansin at ng pag baba ko na doon ko na talaga naramdaman na halos di ako makalakad ng maayos at masakit. Nilagay ko ng cream at hinilot hilot para mawala ang sakit at para ko din ma check kung may bali ba o wala salamat na at wala siyang bali . Pero sobrang sakit.kaya di ako sumama kagabi ng umalis sila at namasyal.sabi ko mas OK na Yong andito ako sa bahay makapag pahinga.

Pero tinapos ko ang work ko kahit paikaika ng lakad ay tiniis ko ang sakit.sabi ko sa sarili ko maupo lang muna ako at baka mawawala pero mas lalo pang lumala na di ko siya na igagalaw nong sumubok akong lumakad halos di ko mailakad sa sakit sobra ng sakit hanggang sa hita tapos mag isa lang ako sa bahay kaya napaiyak na lang ako naawa ako sa sarili ko ,uminom ako ng paracetamol baka mawala sng sakit pero ganon pa din .

Hanggang dumating na sila galing sa pamamasyal at tinanong ako kung okey na ba daw ako sabi ko hindi at sobrang sakit kaya binigyan ako ng gamot at gel para ihilot ko sa paa ko.at ako ay pinag pahinga na ng maaga .pero sabi ng amo ko mag pa xray daw kame ,sagot ko naman akin munang papakiramdaman Hanggang bukas.binigyan niya ako ng voltfast at Fastum gel kaya na ibsan ang sakit ,mabuti na lamang ang aking amo ay Doctor sa pharmacy kahit paano ay may alam ng kaunti. Sa ngayon awa ng Diyos ay medyo okey na ang paa ko kumpara kagabi.

My medicine and gel

Dapat talaga palaging nag iingat kasi hindi natin alam kung kailan darating o mangyayari ang Di inaasahan magkamali ka ng galaw puede ika disgrasya.kaya pasalamat na lang talaga ako at ganito lang ang nangyari sa akin.napakahirap pa naman ang malayo sa pamilya sa panahon na ikaw ay may karamdaman.wala kang choice kundi tiisin ang sakit at gawin ang iyong obligation na trabaho. Kaya kailangan na mag double ingat at Di na din kasing lakas Yong katawan kagaya ng bata pa.

Ito po muna ngayong araw na ito pasensiya po sa aking kadrama nag share lang ako jg aking naramdaman maraming salamat sa pag basa.

Salamat din sa aking mga sponsors na buong tiyagang nag support sa akin .pati na sa mga readers at upvoters salamat po.

#60

November 25 2021

5:55 pm Kuwait

Love

Jay997

Ito po muna sa n

3
$ 0.64
$ 0.58 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Jeansapphire39
$ 0.03 from @Belozoriana
Sponsors of Jay997
empty
empty
empty
Avatar for Jay997
Written by
2 years ago

Comments

Ingat ka lagi sissy.. Ako din non nadidisgrasya din lalo na pg sa banyo. Ang sakit tlga.

$ 0.01
2 years ago

Kaya nga sis oy ang sakit talaga

$ 0.00
2 years ago