After 20 years incident March 15 2022 May mga experience din ba kayo na di nyo malimot limutan lalo na Yong nag lagay sa inyo sa bingit ng kamatayan? Ang bilis talaga ng araw parang kailan lang pero ngayon 20 taon na ang lumipas,Marso 15 taong 2002 alas quatro medya ng madaling araw, mula San Pablo City sumakay ako sa jeep biyaheng Calamba,uwian kasi ako noong sa aking trabaho araw araw at maaga pa akong naalis sa amin.mula sa Calamba may shuttle bus kame papunta sa work. Pag sakay ko pa lang ng jeep ako ay natutulog na bago pa lang mapuno ang sasakyan ng mga pasahero ako ay tulog na.kaya habang nag bibiyahe ako ay tulog.kaya di ko alam kung anong nangyari nagising na lang ako ng ang aming sinasakyan na sinasakyan ay natumba at nag pagilong gilong.na ang akala ko eh ako ay nanaginip,na Yong takot ay di ko alam kung saan ng gagaling basta dinig ko Yong iyakan at sigawan na pag mulat ng aking mata ay may liwanag akong nakita mula sa langit.kasi naka tagilid na Yong sasakyan na aming sinasakyan. Tapos may madidinig ka na dahan dahan daw ang baba at baka mahulog ang sasakyan sa bangin.yong nagkaumpugan kayo ng kapwa mo pasehero sa loob ng jeep at ng nakababa na kame isa isang tinanong kung okey lng ba daw,pero talagang akoy nahihilo at napahawak ako sa aking ulo may dugo sa aking kamay,noon ko lang naramdaman Yong sakit ng aking sugat na natamo, Kaya noong may dumaan na isa pang jeep ay isinakay ako at may isa pa din na masama ang lagay at sa di kalayuan,palibhasa madilim pa noon may nakita na isang babae nasa kalsada nakahilata,nahulog pala yong babae doon sa isang jeep na dahilan ng aming pagka aksidente. Sa aming tatlo ako Yong di gaano malala Yong isang huling isinakay ay aking hawak hawak sapagkat inilagay lang siya sa gitna ng sasakyan,kinakausap ko siya kung okey lang siya pero di siya nasagot pero alam kung nadidinig niya ako.ganon din Yong isa .pero walang sugat Yong isa kaya lng sa ulo Yong tumama sa kanya kaya nawalan siya ng malay,di ko gaano ininda ang aking nararamdaman kasi mas inasikaso ko Yong isang pasahero. Tapos doon kame dinala sa hospital ng Bay laguna nakulang sa mga kagamitan.ayon na kasi Yong pinaka malapit na hospital.walang doctor mga nurse lang tapos inihiga kame sa kama walang nag aasikaso sa amin. Kita ko na nangingisay na Yong isa nakiusap ako baka naman puede nyo siya dalhin sa ibang hospital parang awa nyo na.pero walang ambulansiya ang hospital .sabi ko lang sa babae miss lakasan mo ang loob mo,tapos Yong isa nag susuka na ,tapos hanggang maya maya nangisay na Yong isa hanggang namatay na ng di man lang nalunasan. Ako lang Yong natatanong nila kung ano ba daw nangyari at kung kakilala ko ang mga ayon sabi ko di ko sila kilala. Para akong mamatay sa takot noon lang ako nakaranas ng ganon tapos kita ko pa ng nawala na ng buhay Yong babae.tapos saka pa lng din nila ako inasikaso nilinis Yong sugat sa ulo ko tinahian. Tapos dumating ang mga imbistigador na pulis,kinilala kung sino Yong dalawa.at saka pa lang ako tumawag sa trabaho ng asawa ko. At nakausap ko ang gwardiya sa trabaho ng asawa ko at sinabihan ko na sunduin ako dito sa ospital sapagkat naaksidente kame.at pag dating ng aking pamilya sa hospital,pag tanong nila sa naaksidente itinuro nila Yong nasa morge baka daw kakilala,sabi ng pamilya ko.kakatawag ko nga lamang ilang oras pa lang ang nakakalipas.sobra ang takot ng aking pamilya pag kasabi ng ganon.tapos pag pasok nila nakita nila ako agad sapagkat sila na lang talaga Yong hinihintay ko para makaalis na sa lugar ayon. Umalis ako ng di pa din nakukuha yon babae ng pamilya niya.naawa ako sa kanya kaya kahit pabulong at Di ko naman siya kakilala ako ay namaalam sa kanya. Bakit kame naaksidente May alitan pala yong dalawang driver.kaya noong nandon na Yong sasakyan sa liko likong daan ay kanyang binudol ng binundol hanggang pati ang kanyang dalawang pasahero ay nahulog at bumagsak sa kalsada at ang aming sinasakyan ay nag baligtad at nagpagulong gulong.ang ibang mga nasugatan ay nag pagamot din sa ibang hospital. Di ko malilimutan ang insidente na ito nag Iwan ito sa aking ng trauma at pilat sa aking ulo.na kung minsan maalaala ko na parang mapapaiyak ka.pero siguro kaya Di pa ako nawala noong mga panahon na ayon ay maraming plano sa akin si Lord.at malaki ang aking pasasalamat.na binigyan pa ulit niya ako ng 20 years mula sa mga pangyayari na ayon.halos isang Linggo akong di makatulog ayaw ko magdilim at ayaw ko din sumakay sa jeep.pero kailangan.matagal din ako noon bago naka move on. Minsan kung maalaala natin ang mga panyayari sa ating buhay mapapaisip ka talaga.kung gaano kabuti ang ating may kapal.na andiyan siya para ka damayan. Kaya ngayon pag ako ay sumakay sa jeep ayaw ko ng matulog. Kayo ba may mga experience ba na di nyo din halos malimutan?puede mo na e share. Salamat sa pag babasa .hanggang sa muli.photo from Google Love Jay997
2¢
-
@BCH_LOVER
2¢
- +KT
- +BCH
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
9 comments
Grabe naman niyo sis. 🥺 Nakakaawa naman yung babae napuruhan talaga siya sis kasi di niya nakayanan. 🥺 Ba't ba kasi pag may alitan, isasali kapag nagmamaneho, alam namang sobrang delikado kasi nasa daan at may mga pasahero. Sorry to hear this sis. Binantayan ka talaga ni God nung time na yun sis. Sinave ka niya. 🙏
Kawawa talaga sis tapos bata pa yon dalaga pa.kaya yang mga driver minsan din kasi Di mapigil ang mga sarili. Kaya nga sis laking pasalamat ko talaga
Kawawa naman sis. Oo sis sana yung mga driver hindi ganun. Oo sis thankful talaga kay God. 🙏
*Nakaka-trauma talaga yang ganyan insidente sis. Bakit naman kasi nandamay ang mga driver. Kung May alitan sila, sila lang dapat. Kawawa yung babaeng namatay, di man lang naasikaso ng mga nurse*😥
Kaya nga sis kung sila na lang Yong nag bakbakan .oo sis kawawa nga talaga siya ka bata pa eh
*Hala kawawa naman sis, ang AGA niyang nawala...Kaya nga sis, di nila iniisip yung mga taong nadamay, ang gusto lang nila, mailabas yung galit sa isa't isa*
Sinabi mo pa sis
At nangdamay pa talaga ang dalawang driver sis kung sana sila lang dalawa ang nag umpugan ng ulo hindi yung may mga pasahero silang idinamay naka katrauma nga yan pangyayaring ganyan mabuti at hindi gaano ang iyung natamong sugat sis.
Kaya nga sis kawawa talaga ,alam mo ba na 2 weeks akong di naka work ,pinuntahan ko Yong driver at ipinakita ko ang aking nagastos sa aking xray at gamot ,binigyannlang ako ng 1k