Bakit nga ba PAg dating sa tinatawag na mana or mamanahin galing sa mga magulang may mga magkakapatid na di halos mag kasundo?
Napakaliit na lupa pero PAg aaway awayan. Kung minsan mag kakalimutan dahil lamang sa di sila nag kasundo.meron naman na talagan nag kakasakitan na ng salita o ng pesikal .para lamang makuha Ang ganang kanyà.
Kinalimutan na yong magandang samahan ninyo noong maliliit pa kayo at ng nagsitanda at nag ka pamilya mag aaway ayaw lamang dahil sa kapiranggot na mana.
Masuwerte yong unang kapatid na nag Asawa na agad nakapag patayo ng bahày .ganon din ang sumunod, hanggang naibenta na niya ang kanyang parte,sa 7 nyo na mag kakapatid may Lima na di pa nahatian.
Ang bunso kapisan ng aming Ina. Kami naman na tatlong babae ay may sarili ng pamilya at may sariling bahày.ako Ang pinakamalayo sa amin.at Ang tatlo ko pang kapatid ay malapit sa aking ina.
Nag benta Ang aking ina ng kapirasong lupa ..at kanyang hahatian Ang walang pang parti .Ang sabi ko sa aking ina akoy Hindi na makikihati sa inyo diyan. Yong tatlo kung kapatid Ang kanyang binigyan.subalit may bunso aKong kapatid na lalaki . Na nag tanong sa aking ina na kung bibigyan ba daw siya ng partida ay wala na ba daw siyang karapatan sa bahay or sa lote.
Ayon pala ay sinabihan na niya ang kapatid ko na bunso na kapisan ng aking ina na gusto niyang makuha yong bahày. Ang sabi ko sa kapatid ko ipaubaya na laang yong bahày ay siya ay sumama na lamang doon sa asawa niya sa kanilang lugar.
Hanggang nag karoon na sila ng masasakit na salitaan . Sabi ko sa kanila buhay pa ang ating Ina ganyan na kayo.hindi nga siguro maiaalis s mga magkakapatid na mag away away lalo na at may asawa na sulsul.
Mabuti na lamang at ako ay umalis sa lugar namin na iyong ,noong una doon kamiñg mag anak nakatira pero dahil nga katabi mo ang iyong mga kamag anak minsan sila pa din ang hihila sayo pa baba.kaya naka isip aKong lumayo.
Màsarap San na kayo ay magkakasamang magkakapatid sa iisang lugar pero kung minsan mas mabuti na malayo pa din ang inyong pagitan para mag kita an sa susunod ay may saya .
Akoy naawa sa aking ina at siya ay namomoroblema sa kanyang mga anak.sa isa nga na pamilya hindi pwedeng walang lalabas na masama ang ugali.
Sana dumating ang time na sila ay mag kasundong muli , di ko pa sila na kakausap para sana sa ikapapanatag ng loob ng aking ina .sana naman kalimutan na nila Ang hidwaan.
Siguro meron din ganito na insidente sa pamilya ninyo or sa kakilala ninyo.mahirap talaga Ang sitwasyon sa mga mag kakapatid na di nag kakaintindihan or mag kakamag anak.
Iba talaga PAg pera o karapatan sa lupa Ang PAg uusapan may lalabas talaga na sakim.
Hanggang Dito na lamang po ngayong araw medyo naging emosyonal ako ng kaunti.pasalamatan ko ang aking mga sponsors sila po ay mag napaka generous people Pedi nyo din po dalawin Ang kanilang mga account.salamat po sa pagbasa .
October 22 2021
3:41pm kuwait
Love
Jay997
Buti nlng wlang lupang paghahatian.hahaha pero ganyan po tlg ang nangyayari sa ngaun,sa lupa minsan nagkakasira ang mga magkakapatid.