Kakauwi lang galing outing (; sobrang nakakapagod ang byahe, at pagod rin kakabantay sa bunso kong makulit, kaya akoy matutulog na. GoodNight NoiseFriends❤
Joined 23 October 2022 · 78 posts
Momma of Two Pretty Girls❤
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Kakauwi lang galing outing (; sobrang nakakapagod ang byahe, at pagod rin kakabantay sa bunso kong makulit, kaya akoy matutulog na. GoodNight NoiseFriends❤
Ready To Go! may family outing kasi family ng Mister ko 2days & 1night kami dun. GodBless our way (;
Good Morning November (; please be good to me. Hoping for better days for this month. Sana naman happy2 lang at walang ikakasakit sa puso😅 Happy Halloween! ilang araw nalang pasko na at malapit na rin ang bagong taon, ang bilis ng araw noh? hays CTTO of the pic Photo from Facebook
Galing kami sa NCCC Mall kanina ng anak ko at amaze na amaze sya kasi ang laki ng christmas tree at napakaraming stufftoys (; ayaw pa nga sanang umuwi ng anak ko pero gabi na kasi at kawawa yung bunso ko na naiwan sa Lola. at ang traffic pa naman sa may sementeryo, antagal naming nakauwi. kaya ang sakit ng katawan ko kasi di nakaupo ng maayos sa tricycle, yung upoan ba naman ay para sa isang pwet lang langya hahahaha. At akoy matutulog na at may family outing kami bukas hihi…
wow updated na rin Noise app ko. may paganito na hihi pero isa isahin ko parin yan mamaya (; di na muna mag Mark as read. naeenjoy rin naman ako mag basa nung mga pinost eh kaya yan na rin aatupagin ko ngayon dahil wala na kong ginagawa😁 By the way Magandang Tanghali NoiseFam❤

May sign na talaga si Lord na tupihin ko na raw to HAHAHA bat ba nakakatamad ang pagtutupi? ilang araw rin bago matupi yung mga nilabhan. minsan naaabutan pa ng bagong nilabhan haha. hay nako mag start na nga muna ako para matapos agad (;
GoodMorning sa Lahat (; May filter naman pala, bat nag eeffort pa ako masyado sa pag memakeup kahapon hahaha yun tuloy antagal matanggal nung lipstick sa mukha ko. Nakalimutan ko uso na pala kahit ano anong filter hihi BTW mag ingat ang lahat. Happy Halloween😊
ito pala yung nanalo na Ms.United Nation sa school. Ang bongga naman ng pakpak. pinost kasi ng page ng school yung mga nanalo. Worth it na man yung effort nila
Ang happy naman ng Baby Zombie ko dinalhan ng spaghetti ng Lola nya. Ang dungis na hahaha GoodEvening Noise friends (; nakapag hapunan na ba kayo? kami di pa, kasi may bringhome kasi sila Mama kaya medyo busog pa.

Ang tahimik naman dito samin, himala lang kasi ngayon lng naging tahimik. Or baka tulog pa ang mga bata na ang iingay at humanda later hahaha
PaWelcome naman po ng asawa ko Noise friends (; @PapaYucks https://noise.app/invite/skqkvx4q pinasali ko na rin dito para naman may mapaglilibangan sya pag nabobored sya dun. Salamat po❤
ang saya ng bunso ko kasi walang byahe Lolo nya, favorite nya masyado Lolo niya palaging naka dikit haha. di makakatulog kasi sinasakyan nya at nilalaruan ang mukha. member din pala Papa ko dito. Follow niyo @Dodskie59
Hetooooo naaaa naaaaamaaan! ansakit na ng paa ko kakatayo kanina, ngayon heto naka tayo na naman jusko hahaha antagal nman ng kaMeetup ko, nag offline na kasi di matawagan kaya heto na naman hintay2 na naman mag online. Di na talaga ako oorder ulit sa kanya. anlayo pa naman. Picture2 nlng ng mga magandang View. Durian inspired daw yang building na yan, di ko rin alam anong building yan haha
San na ba mga Jeep dito. ansakit na ng paa ko kakatayo. sarap umuwi kung di lang importante lalakarin ko. Ansarap sanang mag mokmok sa kwarto at makipag lambingan sa bunso ko. miss na miss ko pa nman yun
Kain tayo Guys (; ito ulam namin ngayon sunnyside up egg. kayo nag breakfast na ba kayo? tara kain na!
GoodMorning NoiseFam😊 Have a Blessed Sunday ahead. Nakooo 7am na pala, di pa maka bangon naka yakap kasi tong bunso ko sakin. baka magising pag gagalaw ako. May labahin pa naman akong nag hihintay. kelangan na naman gamitan to ng Ninja Moves para di magising hihi (;
By the way kanina naka pasok sa semi finals anak ko hihi okay na ko dun (; mas madaming deserving. Parang nag World Fashion Show na ang dating nung iba. napaka bongga ng mga outfit nila hihi. GoodNight Guys! matutulog na ko, ansama talaga ng pakiramdam ko. ilang weeks na tong ganito. hays. pero laban lang, may mga anak pa akong umaasa sakin. Kaya Labaaaaan Inahan ;D
sige go! dagdagan mo pa hahaha maya ka na. at mag lilinis muna ako ng kwarto kasi ngayon lng nagka freetime, matagal pa yung balik skwela makapag pahinga na rin sa wakas
United Nation Day na nila (; Meet My Little Miss India. Di pa kasi nag sstart, antagal tagal di pa kasi tapos ang Kinder kaya dito muna kami nag tatambay sa classroom.
GoodNight Minnasan (; matutulog na kami ng mga bubwit ko, maaga pa kami bukas ni Ate at irarampa nya pa outfit nya sa UN nila hihi. GoodNight!Sweet Dreams❤
Magandang Gabi (; ewan ko talaga sa mga anak kong 'to, nakatayo at nag selfie2 lang naman ako nag uunahan na sakin parang lalayas ang Mama nila ano hahahaha
antaas naman pala ng lashes ng BabyAte ko. balak ko sana bumili ng fake lashes. nag practice lng ako sa pag makeup kasi UN na niya bukas. at pina practice ko ng pagsasalita ng Indian, nakuha na man niya pero maya maya nakalimutan na naman kaya tinigilan ko na dahil na hahighblood na ako ang liit pa naman ng pasensya ko hahahaha
parang gusto ko nalang matulog hahahaha andami nang unreads😅 Goodluck to me. ngalay na naman later hahaha
kakagaling lang sa Post Office at naClaim ko na National ID ng asawa ko. akala ko matatagalan pa ako dun ang dali lang naman pala ^_^
Ohayo Minnasan!(; Start your day with a Smile😁 Smile lang talaga dahil lalakad parin ako kahit masakit ulo ko, mag keClaim ako ng National ID ng asawa ko, July pa pala yun dumating pero di man lang naka lagay pangalan niya dun sa may barangay hall. di rin maka receive ng text kasi nawala yung isang sim ko.SKL😊 By The Way KeepSafe Minna (; God Bless us All❤
HOOOOOO natapos rin sa 74 unreads😅 grabe! sumakit kamay ko. HAHAHA GoodNight Noise Friends at akoy matutulog na, katatapos lng nami n nag Videocall ng asawa ko na nasa Japan. Kawawa masyado pagod sa trabaho, mag aasekaso pa ng pang kain pagka galing sa trabaho. Pero kakayanin para sa mga pangarap sa buhay ika nga LABANJAPAN hihi (; Oyasuminasai!
Tapos na exam ng anak ko (; Sabi nya hindi naman daw mahirap. Sana naman maka pasa anak ko. okay na sakin di maperfect atleast pumasa lang.
Tong bunso ko antagal tagal matulog, mamaya na naman to matutulog pag malapit nang dumilim. kaya antagal rin matulog sa gabi mauna pa akong matulog hahaha
dumating na pala to kahapon tong DITO sim ko na Free ng DITO. baka useless na may ibang sim kasi ireregister na ang mga sim ngayon.
Luto na naman ng pang Lunch ng student ko (; 12pm kasi start ng klase nya. 10:30 mag Lulunch na sya.