Tula Para Kay Ama
Ngayo'y dumating ang isang pagkakataon Na labis na lungkot sa loob ng maraming taon Hindi ko man inaasahan na mangyayari iyon Hinagpis at luha ko'y itinuon Ang pagkawala mo'y parang pagkawala ng lahat Nang dahil doon damdamin ay hindi masalat Iyak na parang katapusan na ng lahat Sa isang pamilyang damdamin ay sobrang bigat Ang buhay mo'y parang isang kandila Isang ihip ko lamang pala ay maaari ka nang mawala Kaming pamilya mo'y lubos ang pagkabigla Minuto lamang pala ay maaari ka nang mawala Buhay mo'y tinuldukan lamang ng tao Walang pusong namumuhay dito sa mundo At kung bakit sa anong dahilan ay ginawa nila ito sa iyo Wala kaming ibang makita kundi ang kabutihan mo Bagamat nawala man ang isa Pinipilit magpakatatag para sa pamilya Pipiliin pa rin na maging masaya Sapagkat marami namang naiwang ala-ala Ang buhay mo'y naging sanhi ng kalbaryo Lungkot at luha'y sumasaiyo Kahit mahirap man ang nararanasan mo Hiling ko'y maayos ka saanmang dako Lahat ng tao'y namamatay at nawawala Higit sa ating kaalaman ay huwag na tayong mabigla Hindi tayo nabuhay para hindi mawala Bagkus gawin na lamang natin ang nararapat at tama Isang paalam ang nais sambitin Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin O paalam ama Nawa'y pumayapa ka pa rin Lead image credits to https://www.google.com/search?q=father+who+are+being+murdered+clip+art+background&tbm=isch&ved=2ahUKEwi9juXghfjvAhXJAaYKHdw0C3wQ2-cCegQIABAC&oq=father+who+are+being+murdered+clip+art+background&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzIECB4QCjoECCMQJ1DvigFY7psBYMWiAWgAcAB4AIABjwOIAeMLkgEHNy4zLjAuMZgBAKABAcABAQ&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=J-RzYP3eFMmDmAXc6azgBw&bih=630&biw=360&client=ms-android-oppo&prmd=ivn#imgrc=Pw4bknUU-lyq1M
No comments yet