Pangarap na nais kong makamtan!

9 25
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

18th of October 2021

Mga kathang-isip na nabuo ng kahit sinong tao. Naka tanim sa isip at naging inspirasyon ng pagsusumikap upang maiangat ang sarili at mamuhay ng matiwasay.

Nag simula ako'ng mangarap na magkaroon ng laruang "Super Man" noong bata pa ako at nasa elementary pa lang. Gustong-gusto ko na magkaroon ng ganoong laruan, ngunit papaano?

Nahihiya akong manghingi ng pangbili sa mga magulang ko kasi mahirap lang naman kami. Sinubukan ko'ng mag ipon ng pera yung baon ko'ng tatlong peso tinitipid ko pa at inihuhulog ko sa alkansya yung isang piso at yung natirang dalawang piso ay pang meryenda ko naman.

Nag patuloy ang pag-iipon ko ng ilang araw at sa kasamaang palad ay hindi ko nabili ang laruan dahil kinuha ko agad ang laman ng alkansya. Iniisip ko araw-araw at binibilang ko ang bawat peso na naihulog ko. Napag isip-isip ko na marami na akong mabibili sa pitong peso na naipon ko.

Simple lang ang pangarap ko noong bata ako. Walang selpon at anumang teknolohiya ngunit masaya, kahit hindi ko nakukuha yung mga gusto ko'ng makamundong bagay.

Labing anim na taong gulang ako nang nag simula akong mangarap ng selpon. Gustong gusto ko na naman ang bagay ito ngunit papaano? Hindi ako anak mayaman. Nag lakas loob ako na sabihin ito sa ama ko at pumayag siya.... Pumayag sa gusto kong ako ang mag aasikaso ng mga palay na bagong ani mula sa pinag-tatrabahuan naming palayan. Ako ang mag bibilad nito hanggang matuyo, ng matapos na ang trabaho namin makalipas ang ilang araw ay binigyan niya ako ng isang sakong bigas na ibinta ko ito ng 1500 pesos at binigay ko ang 500 sa aking bunsong kapatid dahil andyan siya palagi sa tabi ko at lagi niya akong tinutulungan sa mga gawain ko.

Naka bili ako ng segunda mano na selpon sa halagang 500 at sa wakas natupad ang pangarap ko. Sobrang saya ko noong panahon na iyon at nagpapasalamat ako sa ama ko.

Dalawampu't apat na taong gulang na ako ngayon, nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. Gusto ko'ng mabigyan ng bahay at lupa ang mag-ina ko balang araw. Hindi ko pa ito naaabot pero pagsisikapan ko itong abutin (kayamukat).

Nagpapasalamat ako sa ama at ina ko dahil pinalaki nila kami ng maayos at mapagtiis sa mga bagay. Tinuruan kami ng mga bagay na kung talagang gusto namin itong maabot ay pagsikapan namin itong mabuti. Dahil malalaman mo ang halaga ng isang bagay pag pinagsikapan mo itong maging sayo.

Kay "sarap kumain kapag pinaghirapan mo" wika nila, at naniniwala ako sa kasabihang ito. Lahat ng malalaki ay nag simula sa maliit, lahat ng naging guro ay minsan din naging estudyante. Kaya wag tayong mag dalawang isip na mangarap ng mataas, Libre lang yan...

Kung mahirap man ang sitwasyon at maraming problema, "ob-la-di ob-la-da life goes on bruh!" Huwag mawalan ng pag-asa "the sun is still in the sky and shining above you.. Chiquitita..."

WAKAS!!!

~ Junix


Another article entry again by him. Hopefully, you'd appreciate how he looked up his dreams and I wish and hope that everything he aims will be given unto him. In God's perfect time.

All of us have our own dreams in life. We are trying now to attain on those dreams. We work hard for it. In the first place, we go to school because it's one of the step towards it. So, that is why I'm one of those just like my partner that still never stop on chasing dreams.

That's all everyone!

Sponsors of Janz
empty
empty
empty

"For my sponsors and those who upvoted my articles. I would like to say my deepest gratitude and happiness for you all since you always keep me inspired and motivated. Thank you so much. More blessings to all of us here. Love you all :) - @Janz

Lead image source

7
$ 3.82
$ 3.55 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ExpertWritter
$ 0.10 from @King_Gozie
+ 2
Sponsors of Janz
empty
empty
empty
Avatar for Janz
Written by
2 years ago

Comments

Minsan ko din hinangad mga yan nung bata po ako. Haha tinuruan ako ng lolo ko sa pag iipon. Pagbebenta ng bote, mga lata ganon kasi dati may bumibili ng mga ganon dito samin hanggang ngayon pero madalang nalang. Yung mga barya na yon kapag nakakabenta ako nun nilalagay ko din sa alikansya ko.

Akala ko din nung bata ako madali lang kitain ang pera. Ang hirap pala. 🥲 Ngayon na lumalaki na ako nagbago na din ang pananaw ko sa buhay. Imbes na para sa sarili ko ang pinagiipunan ko, ngayon, para na din sa mama ko.

$ 0.05
2 years ago

Kitang kita ko kung gaano mo pinapahalagahan ang kikitain mo sis. Talagang pag tayo'y lumalaki I mean yung edad 😊 iiba talaga mga pananaw natin sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

Iba talagakapag laki sa hirap.. Kahit maliliit na mga bahay ay pinapahalagahan

$ 0.02
2 years ago

Ganun talaga Khing, ang gulong ng buhay kapag mahirap tayo kahit na maliliit na bagay may value sa atin yan.

$ 0.00
2 years ago

Truth sis..

$ 0.00
2 years ago

Yay! Diha man jod sa pangandoy magsugod ang tanan. Makabbot rana nija ija cravings na bay ug juta puhon maamsh

$ 0.02
2 years ago

Puhon mamsh

$ 0.00
2 years ago

Grabe ang tagalog mamsh. Hehe! Kakugihan jod nimo mem oy. Ako di naho kaya ng magbuwad ug humay

$ 0.02
2 years ago

Ahong partner na mamsh. Prro nakatry pud ko ug buwad ug humay sauna kay ahong papa naa may kabaskan sauna pud

$ 0.00
2 years ago