read.cash Log in
@Jane1289 more from that month

ULAN Ang bawat butil mo mundo ay nahuhugasan Pumapatak at katawan ko'y natatamaan Matutulis at tumatagos sa aking isipan At bawat pagbagsak nito'y hinahatak ang aking nakaraan Nakaraang hindi mawala-wala sa aking isipan Na tila ba'y lintang kumakapit sa kung saan-saan May maganda, may nakakatuwa, at meron din naman masilimoot Kagaya ng lapot sa basang daan na nakayayamot Ulan.. Sana sa paglakas mo'y mabura ang mapait na nakaraan Para ang isipan ay masidlan ng panibagong kaalaman Mula sa pagsulat ng alpabeto at numero, hanggang sa matuto tumibok ang aking puso Dahil sa simulat sapol and tanging hiling ko lang ay alagaan mo ito Tahan na ulan para ang araw ay muli masilayan Magbigyang buhay and natutulog at nalulungkot ko'ng karamdaman At sana sa sunod kong tayo, bintana ay aking mabuksan At panibagong istorya ang maisulat sa aking talahalaan Ulan.. Tahan na.. ©kadramahan ni Jane 🤣 The church in the photo is St. Theresa Christian Church near our home. I just got home and this kadramahan popped out from my mind while watching the raindrops falling outside the window of the car. How's your afternoon?

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.