Nahirapan akong lumayo sa'yo

1 20
Avatar for Jackie123
3 years ago

Nahirapan akong lumayo sa'yo.

Kung may masasakyan lang para mapabilis ang proseso, sa umpisa pa lang ay ginawa ko na. Ngunit walang laman ang kalsada. Kaya't nilakbay ko ang daan nang mag-isa, kahit mabagal, kahit napapagal at kahit walang kasiguraduhan. Napakahaba ng nilakad ko upang tuluyan ka nang maiwasan. Kung minsa'y napapalingon, tila ba gusto kong bumalik sa kung saan kita iniwan. Minsa'y napapatitig sa kawalan, tinatanong ang sarili kung dapat pa ba kitang balikan.

Nahirapan akong lumayo sa'yo. Ngunit habang pinag-aaralan ko ang palayain ka, natututunan ko namang mahalin ang sarili ko.

Doon pa lang, hindi na ako talo.

1
$ 0.00

Comments

Love yourself more that your je*k of an ex. Hahaha, true to life ba yaan?

$ 0.00
3 years ago