read.cash Log in
@Jac0bus more from that month

Clickbait?

Alam kong marami na dito ang nakaranas nito,yung iba pa nga napagastos pa.Ginagamit lang ba ito para makakuha ng atensyon o ginagamit din ito sa mga iba pang bagay. Ano nga ba ang salitang Clickbait? Clickbait-(on the Internet) content whose main purpose is to attract attention and encourage visitors to click on a link to a particular web page. Kitang kita naman dyan,sinabisabing "to attract attention" nasagot na agad ang unang katanungan natin. May mga clickbait din naman na may magagandang kinalalabasan gaya ng mga ads kung saan kailangan mo humanap ng trabaho o mapagloloanan ng pera,pero kadalasana may mga iba talagang hindi maganda. Peligro sa Clickbait Alam mo bang noong mga nakaraang dekada o taon ay may gumagawa ng clickbait na kapag pinindot mo ay malaman na virus,meron din sa Facebook na kung saan kapag napindot mo ito ay makukuha lahat ng data mo gaya ng log in details mo o sa madaling salita ay username or email at password. Pero habang tumatagal ang panahon nagbabago ang sistema at mga pangsangga natin sa mga uri ng ganyang clickbait,maiiwasan mo yan kung magddownload ka ng browser na nag o-off ng mga adds at iba pang links para masecure ang data ng browser mo. Pero huwag lang tayo tumingin sa negatibong dulot ng clickbait,ginagamit din ito ng iba para makabait at magclick sa link na binibigay nila upang kumita sila.May mga iba naman na mapupunta ka na lang sa online stores gaya ng Lazada,na may kagandahan din namang dulot. Precaution is better than cute ika nga nila,laging tatandaan na mag ingat.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.