Napakabuti Mo Panginoon
Napakabuti mo Panginoon Ikaw ang aming sandigan sa kabila ng kalungkutan. Kapag bumaha't umulan Ikaw aming matutuluyan. Napakabuti mo Panginoon lahat ng FRONTLINERS andiyan. Aming dasal sila'y palakasin dahil naglilingkod sila sa bayan at kanilang pamilya nag-alala man. Napakabuti mo Panginoon Mula noon hanggang ngayon. Minsan di namin maiintindihan kung ano ang Iyong kagustuhan kami'y umaasa Mundo ay babangon at Ika'y sambahin. Napakabuti mo Panginoon sa lahat ng panahon, Ika'y naroon. Walang ibang mapupuntahan sa krisis na aming napagdaanan. Lilipas din ito mahal naming Panginoon. Napakabuti mo Panginoon Kahit maraming kasalanan kami ay binigyan ng kapatawaran. Sa ganitong mga sitwasyon, salamat hindi mo kami iniwan. Napakabuti mo Panginoon hindi mo kami pinabayaan. Patuloy mo kaming binabantayan sa Covid19 lahat nagbabayanihan upang malutas ang kahirapan.
No comments yet