Sana'y Maunawaan Pusong Nasasaktan
Tayoy tao lamang di magtagal dito sa mundo pono ng sagabal. Nakararanas din ng bagyo't lindol. At sana'y luha ko ay mapigil sa Diyos lamang ako'y humahagolgol sa sakit na aking nadarama o aking idol. At ng ikaw ay hindi nagpakita kasalukuyang ikaw na ang bida. Dahil sa wala ka, ika'y mali na. Di nila nafi-feel, ang sakit dba? Husga ng husga, try mo kaya. Try mo kaya sa kalagayan ng iba, ipalagay natin sa isang taong nasa ibang bansa. Kayod ng kayod at samantalang sila, ikaw at ako nagpakasaya lang,dba ang saya? Ang saya ng feeling kung walang problema? At ng isang araw, napapagod at nagdesisyon siya. Magpapakasal at bumukod na ng pamilya. Ang sakit dba? nasanayan mo na ang saya at ginhawa. Diyan nagtatapos ang estorya. Salamat Panginoon at maunawaan nila. Maunawaan ang mga pangyayari ng iba. Na di pwedeng sunodsunoran sa utos nila dahil tao lang tayo at may pangarap sa pamilya. Sana'y patas ang laban at maintindihan niya na si Hesus lang ang pwedeng manghusga. Manatiling tahimik sa harapan nila kahit ito'y habang buhay dinadala para lang magkaroon ng lakas ng loob humaharap sa iba. Sakit na hindi malilimutan kahit kailan pa bagamat Diyos ang pinupuntahan tuwing iiyak ka. Iiyak at iiyak ka pero babangon parin. Kahit puso mo'y nasasaktan din. Kapatid kailangan mo ang Panginoon. Mas naiintindihan ka Niya kaibigan di gaya ng iba pagtalikod mo, tiyak pinag uusapan at ika'y pulutan.
No comments yet