At nakapag post din ako ngayon araw.. Masamang pakiramdam, at kailangan talaga umiwas muna sa mga coffee, grabe dinanas ko kanina umaga.. Katapos ko kumain ng bfast bigla ako hindi makahinga at hinahabol ko ang pag hinga ko na parang mapapatid na talaga.. At sabi ni kumander tumutok daw ako sa fan para mahabol ko hininga ko, at ayon buti talaga nakatulong talaga un at sobrang pawis na malamig na namumuo.. hayyz grabe.. Acidic na pala ako na sobrahan na ako sa coffee kaya ung acid umaangat na sa sikmura ko kaya ayon na feel ko na talagang hirap ka mahinga pag ganon pala.. naninigas ung sa gitna ng tiyan ko.. Kaya sa mga coffee lovers jan na gaya ko wag pala dapat madalas dahil hindi din pala maganda.. share ko lang kasi na experience kona.. mahirap sobra ung mapapatid ka sa pag hinga pag umangat bigla ang acid.. Gang dito nalang po.. at na ishare kona din sainyo.. maganda gabi po, ingat po ang lahat.. god bless us..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ingats lods. Hinay hinay sa kape. kaya ako as much as possible di nagkakape. pero if mapapakape, maximum na dapat 2 cups in a day. hehe