Kwento ng nasa work! 😁 So ganito kasi meron ako naging customer tinatanong ko siya anong kailangan sambit ko sakanya sir ano po gusto niyo? Inulit ko sir ano gusto niyo? Walang respond so, try ko mag english sabi ko how can i help you sir and what do you want? Wala parin respond, so iniwan kona siya.. abay makita ko maya-maya sa babae niya pala gusto makipag usap, walang hiya..hahaha katapos nun mga 5:30 ay uwian na at pupuntahan kona si kumander sakanyang pwesto para sabay na kami umuwe.. habang naglalakad ako kinuhanan ko lang mga larawan nato kung saan ako dumadaan.. Katapos naman nun bumili kami ng ulam ni kumander jan lang sa mga talipapa na madaanan namin at habang busy siya bumibili ako naman naisipan ko kuhanan ng larawan ng bundok sa malayo, at kalsada na daraanan namin pauwe.. At finally narito na kami sa bahay nagluto si kumander ng makakain namin na binili niya kanina ito ay longganisa at red egg plus kamatis.. Habang binabasa niyo to guys tapos na kami kumain dito at share ko nalang sainyo mga nangyare at mga ginawa ko..😄 Salamat sa time na pagbasa ng artikolo ng buhay ko..maganda gabi at mabuhay tayong lahat ng masaya at mapayapa.. #thoughts.by.me as always @asherdawn ♥️ u..
No comments yet