read.cash Log in
@JDM more from that month

Gusto kong pahintuin ang oras Ngunit hindi ko alam kung paano magagawa. Hihiling ba ako sa nasa itaas? Muli ba akong maniniwala sa himala? Hindi ko kayang pahintuin ang lahat Kaya Sa oras na ito Pakinggan mo ako ng husto Kakalimutan ko munang maging makata Kapalit ng muling pagdadaop palad nating dalawa. Kakalimutan ko muna ang mga bolpen at papel Kapalit ng paghawak sa mukha mong mala anghel. Mahal pabigyan mo ako sa oras na ito. Kakalimutan ko muna kung paano tumula, Kapalit ng kaligayahan at saya kahit na may iba ka na. kakalimutan ko lahat ng matalinghagang salita, Kapalit ng ilan segundo muli kang makasama. Susulitin ko ang segundong ito Hihintaying muling umikot ang relo Tapos kakalimutan na kita. Kapalit ng pagbabalik ng ngiti sa aking mata. ✨Asherdawn✨ Pinagmulan ng imahe https://unsplash.com/photos/FlHdnPO6dlw #PadulasNaMaligalig

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.