“Experience ko sa pagiging Nanay”
Hi, share ko lng yung na experience ko sa pagiging nanay, Hindi siya mahirap at hindi rin siya madali. Bakit? Kasi sa una hindi mo pa alam gagawin mo andaming tanung din sa isip mo kung paano mo ba mapapalaki yung anak mo ng ikaw lang magisa at walang tulong ng mga magulang mo. Ang hirap sa una dahil nakakastress lang dahil lahat ng gawain sa bahay ikaw na gagawa sa lahat eh nasanay ako na may mga katulong sa bahay so ngaun wala na dahil may sarili nakong pamilya at may sarili na kaming bahay ng asawa ko. Lagi din wala asawa ko dahil nasa trabaho so ikaw lahat tlga sa bahay tas alagaan mo pa baby mo. Nakakapagod at lagi kang puyat. Pero habang tumatagal nakakapag adjust kana at madali lng pala at masaya dahil npapalaki ko ng maayos ung anak ko ng ako lang magisa gumagawa. Masaya lang dahil nalagpasan ko ung hirap sa una dahil grabe talaga ung puyat mo pero worth it siya dahil nakakawala naman ng pagod kapag nakikita mo yung anak mo at lumalaki ng maayos. Mag 1 taon na rin ung anak ko this June 29. So ayun lang ngayon sobrang likot na niya at gusto ng maglakad haha.
No comments yet