Ina Tatlong letra ngunit ang lalim ng kahulugan Taong mula pagkabata'y hindi tayo pinabayaan Responsibilidad na wala sa edad at kasarian Sila ang humuhubog at tayo'y pinangaralan Maging mabuting tao at pumanig sa katotohanan Pasensya nila ay subok at napakahaba Tayo man ay pasaway, hindi sila nagsasawa Tayo'y pagsabihan at ibigay ang tamang disiplina Parusang karapat dapat, masakit man sa loob nila Upang kanilang paalala sa atin ay lubos na magmarka Hindi natin matatawaran ang kanilang sakripisyo Paghihirap nila, alalahanin at suklian ng todo Mga INA at tumayong INA sa inyo kami'y saludo Hindi namin malilimutan ang mga utang namin sa inyo Balang araw makakabawi at masuklian hirap ninyo Ngayong araw ng mga INA sa inyo'y ipapaala Ang lubos naming pasasalamat at ipagmamalaki sa iba Minulat niyo kami sa mabuting aral at sa ami'y di nagpabaya Idol ka namin aming INA, kami'y hindi magsasawa Sambitin ang mga katagang SALAMAT at MAHAL KITA o ayan, happy mother's day sa mga nanay at sa mga tumayong nanay. magandang hapon noisemates.ππ
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet