Ang Babaeng Nakaitim sa Puno ng Balete Ako si Tina, isang estudyante. Maraming mga kwentong kabbalaghan sa isang malapit na puno ng balete sa amin. Madalas ko din itong nadadaanan sa tuwing ako'y naglalakad papasok ng eskwela. Ngunit sa tagal ko na dumadaan dito ay wala naman akong nararamdaman na kahit ano gaya ng mga sinasabi nila. Baka nga dahil sa hindi naman bukas ang third eye ko kagaya ng mga nakakaramdam doon. Minsan ay curious na din ako kung ano nga bang meron sa puno na yun. Isang araw habang ako'y papasok ay muli na naman akong napatingin sa malaking punong iyon. Kagaya ng dati ay wala pa din akong nakita o naramdaman man lang na kakaiba. Kaya kagaya ng dati ay normal na araw lang din. Pagdating ko sa classroom ay kwentuhan lamang sa matalik kong kaibigan na si Abi. At gaya ng dati ay nakikita din namin ang aming mga kaklase na nagkukwentuhan malamang na naman tungkol sa malaking puno pa din ng balete. "Hoy Abi! Hindi ka pa din ba makarelate sa mga kaklase natin at ganun na lang ang kwentuhan nila patungkol sa puno na yun?" turan ko kay Abi habang malayo din ang kanyang tingin at pinagmamasdan ang aming mga kaklase. "Hindi ko nga din alam kung anong meron. Kapag ako din naman, walang maramdaman tuwing ako ay dadaan doon." siya namang sagot sa akin nito. Napahalakhak ako sa sinabi niya, "bakit kasi pareho pa tayong sarado ang third eye, ayan tuloy hindi tayo makarelate" at nagtawanan na lang kaming dalawa hanggang sa dumating na ang aming guro. Gaya ng aming ginagawa ni Abi, sabay kaming kumain ng tanghalian at syempre kwentuhan sa mga bagay bagay. Ganon lang ang araw araw naming gawain sa tuwing kami ay magkasama. Pero nagtataka na din siya sa ilang araw na madalas silang dalawa lang ang magkakwentuhan at napansin niya ito simula nung magsimula ang kwentong kababalaghan sa puno malapit sa kanila. Pinagsasawalang bahala niya lamang iyon at patuloy lang ang araw hanggang matapos ang buong araw ng klase nila. Noong araw na iyon ay ginabi ng uwi si Tina at wala na siyang masakyan kaya nagdesisyon na lamang siyang maglakad pauwi sa kanila dahil hindi din naman kalayuan ang bahay nila sa eskwelahaang pinag aaralan niya. Habang naglalakad ay natanaw niya ang malaking puno na siyang pinagmumulan ng kwentong kababalaghan. Pumasok sa isip niya ang narinig niyang kwento patungkol sa babae raw na nakaitim na nakatira dito. Pinagsawalang bahala na naman niya iyon at patuloy na naglalakad sa madilim na kalsada hanggang sa papalapit na siya sa nasabing puno. Biglang dumampi ang malamig na hangin sa kanyang batok na siyang dahilan ng pagtaas ng kanyang balahibo. Ayun ang unang beses niyang maramdaman ang ganoon, ngunit hindi siya nagpadala sa takot at patuloy pa ding naglakad. Papalapit na siya ng papalapit sa puno at tuloy pa din ang pagtindig ng kanyang balahibo. At hindi niya talaga ito mapigil kaya nagsimula siyang kumanta ng malakas sa pagbabaka sakaling mawala yung pakiramdam na yun. Bigo siya sa paraan na yun kaya binilisan niya ang kanyang paglakad para mabilis siyang makauwi. Nalgpasan na niya ng kaunti yung puno at unti-unti na nawawala ang kanyang takot na nararamdaman. Kampante na siyang naglalakad nang biglang may sumitsit ng malakas at umakyat sa buong katawan niya yung takot. Alam niya kasing wala ng tao sa mga oras na yun dahil wala namang malapit na bahay sa paligid ng puno na yun. "Psssst!" malakas na paswit sa kanya ng nanggagaling mismo sa puno. Lumakas muli ang kabog ng kanyang dibdib at pinipilit niyang lumakad ng mabilis na wari mo'y patakbo na ang kanyang gustong gawin ngunit napapangunahan siya ng takot at nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Napalingon siya sa pinanggagalingan ng tunog at nakita niya ang isang pigura ng taong nakaitim sa puno ng balete. Dali dali niyang inilawan ang pigura na yun gamit ang kanyang selpon ngunit bigla itong nawala. Napabuntong hininga siya at paglingon niya pabalik at muli na naman sana siyang maglalakad pauwi ay nakita niya sa kanyang tabi ang babaeng nakaitim na yun at hindi mapinta ang mukha ng babae dahil butas lang ang mga mata nitong umiiyak ng dugo. Blangko siyang kumaripas ng takbo at nakalayo na siya sa puno hanggang makarating sa harapan ng kanilang gate at binalibag ito. Pinagpapawisan siyang nakauwi. Sa kabila ng blangko niyang pag iisip ay nagmarka sa kanya yung mukha ng babaeng kanyang nakita. Nanginginig siyang uminom ng tubig at hindi niya alam kung takot o pagod ang kanyang mararamdaman.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet