read.cash Log in
I@Itsuki more from that month

"Mayaman na kasi kaya nakabili na ng mamahalin o branded na gamit." Yan yung mga katagang nakakainis. Parang inaalisan ka ng karapatan na magkaroon ng magandang gamit at mga mayayaman lang may karapatang magkaroon nito. Sa mata ng iba luho ito, pero sa mata ng bumili andun yung salitang kontento. Lalo na kung ikaw yung nag ipon at nagpagod para mabili ito. Hindi ba parang insulto yun sayo na tinipid ang kakainin mo at nagtrabaho ng overtime kasi target mo na sa ganitong araw mabibili ko yan. Maaari naman tayong maging masaya para sa iba, sa kung anong nabili nila. Achievement kasi yun, yung priceless talaga yung pagiging masaya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.