Paglisan (The Loss)

0 19
Avatar for Isol
Written by
3 years ago

Dalawang taon na ika'y di nasisilayan

Sa mundong ibabaw na may kadiliman

Pilitin man ang sarili'y aliwin

Iyong presensya pa rin ang inaaatim.

Dalawang taon nang hindi mapakali

Lungkot ay di maikubli

Pagkawala mo'y pilit iwinawaglit

Iniisip na ika'y nawala lang nang saglit.

Hangarin ma'y aming balikan

Masayang alaalang naipundar

Pighati kailanma'y di mapapawi

Tambakan man ng kayamanang di mapasubali.

2
$ 0.00

Comments