read.cash Log in
I@Isol more from that month

Paglisan (The Loss)

Dalawang taon na ika'y di nasisilayan Sa mundong ibabaw na may kadiliman Pilitin man ang sarili'y aliwin Iyong presensya pa rin ang inaaatim. Dalawang taon nang hindi mapakali Lungkot ay di maikubli Pagkawala mo'y pilit iwinawaglit Iniisip na ika'y nawala lang nang saglit. Hangarin ma'y aming balikan Masayang alaalang naipundar Pighati kailanma'y di mapapawi Tambakan man ng kayamanang di mapasubali.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.