Dahil sa nagdaang sama ng panahon dulot ng Moonsoon ay ganito ang hitsura ng iniwang pagbaha dito sa aming lugar. Nabuwal ang puno malapit sa ilog dahil sa malaking pagbaha na naranasan namin dito. Nangangamba na kami dito baka patuloy na itong matangay ng ilog at mabubuwal din ang iba pang lupa na lumambot na dahil sa ulan. Hindi talaga natin mapipigilan ang galit ng Panahon at ng kalikasan ang tanging paraan nalang nito ay pangalagaan natin ang ating lugar habang hindi huli ang lahat.
2 comments
Malakas pala ang ulan diyan, sa amin naman, medyo konti lang, iba na talaga ang panahon ngayon, ingat.
Tama ka sis, nagbabago na talaga ang panahon ngayon. Ingat din kayo dyan.