Magandang gabi sa inyong lahat mga kanoise. Napakasaya ko kanina dahil sa wakas, nakaani na ako dito sa aking tanim na mga sili. Pero ang tawag ng iba nito ay bell pepper o atsal sa salitang bisaya. Matagal kong inaagalaan ito at sa wakas ay namunga na. Para maging malusog ang pagtubo nito ay nilagyan ko ng organikong pataba at tiningnan kong may mga insekto ba na nakakapit sa mga dahon nito. Isa íto sa mga sangkap sa pagluluto ng tinolang manok, isda at marami pang klase ng potahe. Ang iba ay pula ang kulay bago anihin pero ito minabuting anihin na ang kulay ay berde pa para matagal mahinog.
2 comments
Ang cucute ang liliit:)
Nagtaka rin ako mate. 😊