read.cash Log in
@Irisha

Ang Dalampasigang ito na matatagpuan sa Bayan ng Calangahan sa Lugait, Misamis Oriental ay isa sa mga magagandang pasyalan dito sa probinsya. Maraming mga tao ang pumupunta dito silayan ang kagandahan ng lugar. May mga malalaking bato at mga korals ang makikita dito, sa katunayan isa na ito saga lugar na ginawang sanctuary ng Probinsya. May mga ibat-ibang uri ng mga halamang dagat, hayop at mga kabebe ang makikita dito. Dahil sa pagiging responsable ng mga residente dito kaya napapanatili ang kaayusan at kagandahan ng lugar. Dahil medyo masungit ang panahon, kaya medyo malakas din ang hangin at medyo matataas ang mga alon sa Dalampasigan. Pero kahit ganito ang sitwasyon na nararanasan ngayon, makikita pa rin ang kagandahan ng lugar.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.