Sabi nila swerte daw pag may namamahay na ibon sa bahay niyo. Pero hindi ko alam kong swerte ba talaga or hindi. Dati ,dalawang ibon lang to mag asawa tapos ngayon ang dami na nila ,super struggle sa paglilinis ng dumi nila. May 2year old baby ako at naka paa lang kaya every day ko nilisan yung dumi tapos this morning ito yung bumungad sa akin😢 Comment down below kung talagang swerte ba to?Kasi natatakot na ako for my kids health ,dumi kasi to eh huhu
13 comments
Dapat siguro bugawin na sila. Saka lagyan ng screen yung dinadaanan. Tayo naman ang nagdadala ng swerte sa buhay natin hindi ang ibon. Kasi kung may bird flu kalusugan din ang magsa-sacrifice. Good morning.
Kaya mga eh ,kage kong sinasabi sa inlaws ko pero kasi daw swerte daw ,naku huhu
Masisira ang kisame niyo niyan kasi bubutasin nila yan at sa loob sila gagawa ng pugad. Delikado pati ang mga ipot nila
Naku ,kakatakot.
Haha.. di po ako naniniwala sa mga swerte2 na yan.. mas important po yong health natin lalo na sa mga bata.
Oo nga eh ,yan lage sinansabi ko sa mga inlaws ko
Ngayon ko lang yan narinig sayo sis na kasabihan.
Ewan ko sa kanila sis ,mga inlaws ko din nagsasabi tsaka may ganito ding na feature sa kmjs eh
dadami pa yan mate ganun yan magpupugad kasi yan jan...sabi maswerte daw yan balinsasayaw yata yan...pero mukhang gusto pa nila sa sala niyo mate
ayy sa terrace pala sorry
Morning friend .may nabasa din ako same scenario mo, swerte pero may hatid na stress
mahal ang pugad kasi niyan mate binibili yan sa mga restaurant
labas ng bahay to diba sa may bakod niyo? wala ako alam kung swerte ba yan o malas. Akala ko nung una paniki yan haha.