A Life You Can't Imagine (ALYCI)
Epilogue: **"You may now kiss your bride.."** Biglang may nagsalita na 'di ko wari kung saan nagmula Biglang ring may humalik sa labi ko kaya awtomatiko akong napadilat **"Waahh!!!!"** Sabay naming sigaw at napa-atras pareho **"Sino ka!!"** Sigaw pa niya na dinuduro pa ako **"Ikaw ang humalik sa akin!! Ako dapat ang magtanong kung sino ka!!"** Sigaw ko sa kanya.. Nakarinig ako ng bulong-bulungan pero hindi ko pinansin dahil nakatuon lang ang paningin ko dito sa walangyang lalaking 'to na ang kapal ng kalyo sa muka halikan ako!! **"Hindi kita hinalikan!! Pagdilat ko nakadikit na sa akin 'yang nguso mo!"** Sigaw rin niya dahilan upang mas lumakas ang mga bulong-bulungan, inis akong napatingin sa mga 'yon at halos hindi ako makaimik sa nakita ko, lahat sila ay nakaupo at pinapanuod kami.. Inilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran at walang duda---narito kami sa isang simbahan, napaharap ako sa pare na nasa gitna namin.. nagtataka rin ang hitsura niya **"Ahehe s-saglit.."** May babaeng biglang lumapit sa amin **"Mama?!"** Tinawag siyang mama ng lalaking 'to **"N-nandito ka rin?! Ano bang ginagawa natin dito?!"** Sabi pa niya at inilibot ang paningin sa paligid Pinagmasdan ko ang suot niya, nakaitim siyang suit na pangkasal. Biglang kumabog ang dibdib ko, naramdaman kong may mga lumapit rin sa akin, pagtingin ko si Tita Anne 'yon! **"Tita!!"** Yakap ko sa kanya **"Ano ba ang nangyayari?"** Bulong nito sa akin Nakita ko rin si Papang lumapit sa akin, at kunot-noo akong tinitigan. Dahil sa ginawa niyang 'yon ay napakalas agad ako ng yakap kay tita at awtomatikong napatingin bigla ako sa aking katawan na may suot-suot na wedding dress **"Waahh"** sigaw ko. Napatingin ako sa lalaking kaharap hanggang sa mapunta ang tingin ko sa suot niya---sa suot ko---sa suot niya **"Waahh!!!"** Dinuro ko pa siya. *Ano ba 'to?!* *Panaginip lang ba 'to?* Sinampal ko ang sarili ko ng malakas And then boom! Nasaktan ako bwisit! *Ibig sabihin totoo 'to?* **"Mahabagin kong panginoon!"** Maya-maya'y wika ng pare, tinitigan niya ako at nag-sign of the cross, tinignan ko lang siya at ibinalik ang tingin doon sa lalaking nanlalaki na rin ang matang nakatingin sa akin *What the heck is happening??* DISCLAIMER: I am the author of this story, this is one of the stories I wrote in wattpad but not yet published. All ideas here are made only by author's imagination and not intended to copywrite other's. Please support me😊
No comments yet