1500 years old BIBLE na natagpuan sa Turkey.
Isang bibliya na 1500 ang tanda ang natagpuan sa turkey kung saan ang bibliyang ito ay pinag-aalala ng Vatican at pamunuan nito sa kadahilanang tinanggal sa bibliya o wala rito ang krusipiksyon ni Hesukristo. Kung sakaling mapatunayan ngang totoo ang nilalaman ng nasabing bibliya, maari nitong baguhin ang relihiyong nakilala natin. Sa kabilang banda, kung ang bibliyang ito man ay huwad o peke nga, kung gayon ang lahat ay huwad din. Gusto ng Vatican na makita ang bibliyang ito. Ayun sa mga pagsusuri at sa Carbon dating tests, ang bibliyang ito nga ay hindi bababa sa 1500 na taon kung saan nandito din ang Gospel ni Barnabas. Inilipat nga ang nasabing bibliya sa isang museum sa Turkey. Ayon sa Gospel ni Barnabas, na Gospel ng isa sa mga disipulo ni Hesukristo, hindi totoo ang krusipiksyon ni Hesukristo. Ayon dito, ang krusipkisyon ay hindi umano tungkol kay Hesus kundi kay Judas at umakyat si Hesus sa langit habang ito ay nabubuhay pa. Sinasabi rin na si Hesus ay hindi anak ng Diyos kundi isa lamang propeta na sinasalita ang mga salita ng Diyos. Sa bibliyang ito, tinutukoy na impostor ay si Apostle Paul. Ayon sa official statement, ang bibliya ay nakuha sa isang grupo ng mga smugglers sa isang operasyon sa Mediterranean region kung saan ang mga ito ay sangkot sa mga ilegal na gawain. Sinasabing ang antigong bibliyang ito ay nagkakahalaga ng $28 million. Ang mga eksperto sa usaping pang relihiyon mula sa Tehran ay sigurado na totoo ang Bibliya. Ang nilalaman ng bibliya ay nakasulat ginto at sa Aramaic na linggwahe na nakapaloob sa loob ng isang itim na leather. Noong panahon ng konseho ng Nicea, pinaniniwalaan na ang simbahang katoliko ay namili lamang ng mga gospel at itinapon ang iba kaya hindi na ito nakikita sa mga regular na bibliya at kasama nga sa mga gospel na naitapon ay ang gospel ni Barnabas. Ngunit ang Vatican ay higit na nag-aalala sa tungkol sa antigong bibliya na ito na humingi sila ng Awtorisadong pahintulot upang masuri nila ang nasabing bibliya. Gayunpaman, anumang malaman at makita ng Vatican tungkol sa bibliya ay paniguradong susuportahan ng mga naniniwala rito habang ang mga Atheist at Agnostic ay patuloy na tatanungin kung ito nga ba ay totoo. Kung mapatunayan ngang totoo ang bibliya na to, ibig sabihin, ang kinalakihan nating paniniwala ukol sa kristyanismo ay hindi totoo. Kung hindi naman ito totoo, maaring ang mga bibliya ding kinagisnan natin ay maaring kasinungalingan lang din.
No comments yet