read.cash Log in
@Herzy

My Lutang Moments Sa araw araw na nabubuhay tayo hindi ma iiwasan na malutang tayo pero minsan yung pagiging lutang ko nagiging araw araw na eh, hehehe....... Some Of My Lutang Moments Binasa yung suot na sapatos *Kainis kasi ang akala ko tsinelas yung suot ko kaya ayun takte naglakad ako nang basa yung loob ng sapatos ko...* Hinipan Yung Ice Cream *Ang saya saya.* Binuksan yung electric fan tapos magtatago sa kumot *hehehehe.......* Inaamoy yung tubig bago inumin *Baka kasi may lason yung tubig kaya ko inaamoy hehehe, ewan o talaga kung bakit minsan ginagawa ko yun. Pati ba naman sa tubig may trust issue ako.....* Umutang sa tindahan tapos ito akong si lutang nag hintay ng sukli *Isang oras ata bago ko na realize na utang yun teh utang........* Bumaba sa tricycle na hindi nag babayad tapos sabay sabing "Thank you manong" naka smile pa ako sabay alis. *Tapos yun tinawag ako ni manong.Huhuhu di pa pala ako nagbabayadddd.......Nakakahiya* Nagpakuha si mama nh charger sa taas tapos pag akyat ko natulog. *Tulog is Life* Naglalaba ako tapos di ko alam na sa lupa ko pala nilalagay yung nilalabhan ko *Ayun napagalitan ako ni mama at nilaban ko ulit, magaling self.....* Yung tapos ko ng nilabhan,nilagay ko ulit sa washing machine.... *Akala ko kasi hindi pa nilalabhan takteeee..... Double gawain tuloy* Nagpaload ako, syempre hiningi no. ko tapos ako naman tong maraming inisip kaya ang sinagot ko ng "Bakit po?" *Self nagpapaload ka.......* **Sumakay ako ng LRT pauwi na ako** Yung card ng LRT dapat ipapasok yun ang ginawa ko dinikit ko lang dinikit doon, naiinis pa nga ako eh bakit ayaw tapos yun yung sinabi nung ate nasa likod ko sakin na "Ipasok ninyo po sa loob" *gosh nakakahiyaaa......* Bumili ako tapos sabi ko sa tindera "pabili po bottle watter nga po yung tig15, Magkano po?" *Si ateng tindera napatawa na lang sa akin tapos ang dami ko pang kasabay na bumili pati sila napatawa......* Yung nag abot ako ng bayad pero tissue na ibigay ko *My gosh nasa likod ko lang yung driver tapos pagkakita ng driver ng bayad ko tingin agad siya sa akin huhuhuhu.... Nakakahiya pati yung mga pasahero nakatingin na sa akin..* Noong face to face classes pa toh, natulog ako ng tanghali tapos pagkagising ko ang akala ko umaga na kaya nagmadali akong mag ayos para pumasok *Mag uuniform na sana ako ng tinanong ako ni mama kung bakit daw ako nag uuniform, gosh hapon pa lang pala....* Nadala ko yung libro ng bunso kong kapatid kaysa sa libro ko na kailangan dalin *huhuhu....* Nagtimpla ng kape at pagbukas ng kape tinapon sa basurahan yung lalagyan *Kala ko kasi naibuhos ko na hindi pa pala..*. Tinusok yung ballpen sa buhok tapos maya maya hinanap at pinagbintangan yung mga kaklase ko *Muntikan ng mag wala kung hindi ako humawak sa ulo ko. Takte natawa na lang ako sa sarili ko* Iniwan ko yung bag sa school paguwi, Ako kasi huling umuwi dahil ako nagsasara ng room. *Nalala ko lang na di ko pala dala bag ko ng malapit na ako sa bahay..... Tapos pag balik ko doon sarado na yung gate, may assignment pa naman kami nun.* Binanlawan agad yung hinuhugasan at nilagay sa platuhan ng hindi pa sinasabuhan *Ayun tuloy hinugasan ko lahat ng nasa loob ng platuhan kasi di ko aam kung ano don yung malinis sa hindi huhuhuhu.........* Ang hirap maging lutang kasi pag narealize mo yung ginawa sa sobrang lutang talaga mapapasabi ka na lang na "*Lupa kainin mona ako*" at gugustuhin mo na lang mag laho sa kahihiyan, lalo na pag madaming nakakakitaaa....... **Kayo ba guys ano yung mga lutang moments ninyo?** **Thank You For Reading and Don't Forget That** *****I LOVE YOU !!!***** *—Herzy—*

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.