read.cash Log in
@Herzy

No Words Just Hug Sa pangambang nararamdaman Sa mga oras na hindi na alam ang gagawn Litong lito sa kung anong dapat na gawin, unahin at isipin Isip ng isip Hindi mapalagay ang isip Patuloy na tumatakbo ang mga 'what ifs' Nanakit na ang ulo, problema ay hindi pa rin masulosyunan Sa mga problemang na hindi malaman kung ano nga ba ang talaga ang totoong problema Ang buong paligid ay umiikot, Unting unti nang dumidilim Wala nang masilyan kundi takot at pangamba Sobrang bigat na ng nararamdaman Lunod na lunod na, kaya pa bang umahon? Puro na lang sakit ang naalala Sakit sa pagkawala ng minamahal Sakit sa pagkabigo Sakit sa mga mapanghusgang tao Awang awa sa sarili sa paulit-ulit na pagkabigo Pagkalumbay sa lahat ng suliranin natatamo Sa pagtama nito ay patuloy nagsisikip ang dibdib. Pagbilis ng tibok ng puso. Pagbilis ng paghinga Panginginig ng katawan. Dahil sa hindi mailabas na nararamdaman. Sana oras na nararamdaman ito Sana may isang yakap. Isang mahigpit na yakap Yakap ng taong may pag-aalala Yakap na magkapagpapagaan sa kalooban Isang yakap na nagbibigay ng maraming kahulugan Yakap na magpapahinto sa lahat Makakapagpakalma sa pusong hindi na magkumahog sa pagtibok Makakapagpatigil sa kamay na patuloy na pumipiga sa puso Makkapagpatigil sa pagtakbo ng mga 'what ifs' sa isip Sa oras na hndi kayang sabihin ang nararamdaman tanging yakap ang magpapagaan Sa oras ng kadiliman. Sa Yakap Mo, Yakap mo ang kailangan.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.