read.cash Log in
@Herzy

Just Cry, My Love Isang gabi nanaman ang nag daan, Isang gabi na aking mga mata ay basa nanaman. Ang aking mga unan, Basang basa sa mga luhang pumatak sa aking mata. Ang bigat ng pakiramdam ko Di ko alam kung kakayanin ko pa ba Na sa bawat pag hinga ko puso'y lalong sumisikip. Mga alaala unti-unti bumabalik Ang mga nangyari sa nakalipas na oras unti unting kong nakikita sa aking isipan. Pangyayaring ayoko nang balikan pero Kainis, Bakit kailngan ko nanaman isipin itong muli? Parang kanina lang ay wala lang sa akin ng lahat Parang kanina lang ay ni pagluha man ay Hindi ko nagawa pero bakit ngayon? Bakit ngayon lang nagprocess sakin ang lahat? Na ang kaninang matapang na ako ay nawawala na Wala na kong maramdamn Di ko na maintindihan ang aking sarili Gulong gulo na ako Di ko na maintindihan ang aking nararamdaman Nasasaktan ba ko? Naawa sa sarili ko? Galit? O lahat yan ay nararamdan ko? Di ko alam Hahalo halo na ang aking emosyon Pero Isa lang ang alam ko Isa ang ang solusyon sa nararamdan ko ngayon Ang umiyak Ang iiyak lahat ng bigat na nararamdaman. Sa ganoong paraan mailalabas ko ang sakit, hinagpis, at galit na gustong kumawala sa akin puso. Ayokong ipunin Ayokong makasakit at mandamay ng tao sa aking nararamdaman Ayokong mawala sa aking sarili Talaga nga naman Kay bisa ng pag-iyak para maibsan ang lahat ng nangyari Iyak na sa pag tapos nito Isang bagong ako nanaman ang magiging resulta Iyak na magpapagaan ng loob Na sa pagtapos nito, Kakayanin ko na ulit ang humarap sa mundo Kaya Ikaw! Wag Kang matakot na umiyak, wag mong pigilanang sarili mong umiyak kung di mo na kaya Mas lalo ka lang hihirap. Ilabas mo, wag mong ipunin Hayaan mong maramdam ng sarili mo ang hinagpis ng puso Umiyak ka lang Iiyak mo lang ang lahat ng mga di mapaliwanag na nadaradama at sakit na di na makimkim pa Hindi masamang umiyak, Hindi ito isang kahinaan Isang itong kalakasan upang harapanin ang realidad ng buhay.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.