Recipe ng Ating Ginataang Santol Ingredients: 1/4 pork (liempo) ( chopped in cubes ) 1/4 santol (piniga) 1 niyog (unang gata)(pangalawang gata) 3 siling haba (tanggalin ang mga buto at hiwain ng pahilig) Bawang Sibuyas Mantika Luya Direksyon sa pagluluto: 1. Sa kawali magpakulo ng tubig, kapag kumulo na ilagay ang piniga na santol. Pakuluin ng pakuluing hanggang mawala ang amoy ng santol. Pagnawala na ang amoy, palamigin ito. 2. Kapag malamig na kailangang pigain ang santol para mawala ang katas. Hanggang maging tuyo (dry). 3. I set-aside ang piniga na santol. 4. Igisa sa kawali ang kunting mantika ang mga sangkap. Bawang, luya, at sibuyas. Ilagay ang karne pagkatapos igisa ang mga sangkap. Haluin. Takipan. Hanggang lumabas ang mantika ng karne(liempo). 5. Isunod ang pangalawang gata, kapag lumabas na ang mantika ng karne (liempo). Kulo, Kulo, Kulo,.... 5 minuto. 6. Pahinain na ang apoy habang kumukulo ang gata. At Takpan. (mahinang apoy). 7. 20 minutes na nakaraan sa mahinang apoy. Lasahan na ito, Manamisnamis at maalat base sa gusto ng panlasa mo. 8. Alisin na ang takip para sa susunod na mga Hakbang. 9. Ilagay ang purong gata o ang unang gata(kakang gata). Isabay na rin ang mga siling haba. I- simmer sa mahinang apoy. 10. Pagkalipas ng 5 minuto patayin ang apoy. 11. Handa na ito upang ihain sa hapagkainan. Kung nagustuhan mo ang aking recipe maari mo akong i-tag sa facebook Mariette Dy at dymariette naman sa IG. Ito ay orihinal na pagluluto ng ina ko. Mag- enjoy sa pagluto. Ihanda ang pagkain kasama ang pagmamahal sa pamilya para mas lalong sumarap ang ating niluto.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet