Sinabi ni Sarai kay Abram, “Dahil hindi pinahintulutan ng Panginoon na magkaanak ako, mabuti pa sigurong sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.” Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa. Genesis 16:2 ASND May pinangako ang Diyos kay Abraham at Sarah na magbubuntis si Sarah kahit na mukhang imposible sa lagay niya dahil siya ay matanda na. Ngunit dahil nainip sila sa paghihintay sa pangakong ito, ginawa nalang nila ang sarili nilang pamamaraan para sila'y magkaanak. Hinayaan ni Sarah si Abraham na sumiping kay Hagar (aliping babae) para magkaanak sila. At nagbuntis si Hagar at pinangalanang Ishmael. To summarize this all, si Ishmael ay bunga ng pagkainip at maling desisyon nina Abraham at Sarah. Siguro, naging tulad na rin tayo ni Abraham at Sarah na ginagawa nalang ang ating sariling pamamaraan imbis na magtiwala sa pangako Niya para makamtan ang bagay na gusto natin nang madalian dahil madalas, ayaw na natin ang maghintay. Pero gayon pa man, nararapat tayong maghintay sa "go" sign ng ating Panginoon at sa Kaniyang perfect timing sa bawat bagay dahil siguradong ito'y magiging tama at makakapagbigay glory sa Kaniya. Let's wait for the Lord dahil ibibigay naman Niya ang Kaniyang ipinangako kahit gaano ito katagal. Tulad ng ipinangako Niya sa mag asawang ito, nagkaroon sila ng Isaac kahit imposible sa kanilang mga edad. Maghintay tayo sa ating Isaac (katuparan ng Kaniyang pangako) dahil kapag galing sa Diyos, hindi lang siya magiging blessings sa buhay natin kundi blessings rin siya sa iba.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet