Huwag kayong padaya, mga kapatid kong minamahal. Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang. Santiago 1:16-18 RTPV05 Alam naman natin na ang lahat ng meron tayo ay kaloob ng Panginoon. Lahat ng mga pangako Niya ay hindi nagbabago. Ang mga bagay na ating hinihiling ay ipinagkakaloob nya as long as iyon ay para sa ating ikabubuti. Kaya nararapat lamang na tayo ay magpasalamat sa Kanya. Kung tayo ay patuloy na magpuouri at magpapasalamat kay Lord, marerealize natin na ang dami pala ng mga bagay na meron tayo na hindi natin hiniling sa Kanya. Yung maliliit na bagay na dati ay iniignore natin dati, maapreciate natin kapag kapag lagi tayong nagpupuri sa Kanya. Nararapat lamang na tayo ay magpuri at magpasalamat sa Kanya, sa mga bagay na meron tayo, sa mga nararanasan natin, malungkot man o masaya, masakit man o mahirap. Ipagpasalamat pa rin natin dahil sa mga pagkakataon na yon hindi tayo iniiwan at pinapabayaan ni Lord. Binibigyan nya tayo ng karunungan at kalakasan upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na ating nararanasan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet