read.cash Log in
@HappyHeart27

ANG DILA... Ephesians 4:29 "Huwag kayong gumamit ng masasamang salita, lagi nyong sikapin na ang mga pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig." Alam naman po natin na bawat salitang binibitawan natin o sinasabi natin ay napakahalaga. May times na para sa atin maayos naman un sinabi natin pero namimis interpret tayo. Na wala naman tayong masamang intension pero masama yung dating sa iba. Pero.sabi nga po, " lagi nating sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti, upang pakinabangan ng mga makakarinig" - Lagi natin iisipin na para sa ikabubuti nila yung mga sasabihin natin. Hindi naman masama o mali na itama natin ang isang tao pero dapat yung mga salitang gagamitin natin matututo sila at hindi sila matitisod sa atin. - Bago tayo magbitaw ng salita dapat isipin natin kung makakabuti ba ito o hindi. James 3:6 "Ang dila ay parang isang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao" - Kapag ikaw ay nagkwento ng mali, kakalat yan. Kapag kumalat, minsan naiiba na ang kwento. Dyan dumadating yung may mga nagkakasiraan. May pagkakaibigan na nasisira dahil sa mga maling info o maling kwento. magkamali ka lang isang salita pwede na mag iba yung meaning nito. - kelangan nating controlin ito. isipin mo muna yung gusto mong sabihin pero isipin mo rin kung tama ba yung pagkakataon o oras para sabihin yon. - Maliit lang ang dila pero kapag nagkamali, ang laki ng nagagawang damage. Maliit na part ng katawan pero pwede kang magkasala ng malaki. Proverbs 15:4 "Ang magiliw na salita ay nagpapasigla ng buhay. ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.." - kapag magiliw na salita maayis ang pag uusap o healthy conversation..pero kapag masakit na salita ang ginamit, minsan nagkakasamaan ng loob. Nagkakatampuhan. - Kung ikaw naman ang nakarinig ng hindi magandang salita sa iba, huwag mong papatulan. Humingi ka ng wisdom at guidance kay Lord kung paano mo macocorrect yung taong yun or kung paano mo ihahandle ang situation na yun. - kung may naninira naman sayo. Or kapag may nanghuhusga sayo. Huwag mong papatulan. - Gamitin natin ang ating dila sa maayos na paraan..Sa pamamagitan ng tamang pananalita at pagbabahagi ng salita ng Diyos. Gamitin natin ito sa pagpupuri kay Lord. Gamitin ito sa makabuluhang bagay. Exodus 14:14 "Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo." - Siya ang bahala sa yo..Ipaglalaban ka nya sa mga taong naninira syo. Psalms 19:14 "Naway ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan. " - "Psalms 19:14 Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos."

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.