read.cash Log in
@HappyHeart27

ALL FOR THE LORD ! ALL FOR THE LORD! Colossians 3:22-24 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. ✅ Marami sa atin ang naghahangad na makatulong sa ating kapwa. Materyal man yan, financial, Spiritual. Pero lagi natin isaisiip na dapat lahat ng ating giagawa ay para sa Panginoon. Hindi para sa tao. At hindi pakitang tao. Example sa Church. May kanya kanya tayong ministry na ginagampanan..May naglilinis, may tumatayo sa harap, ministry sa mga youth at sa mga bata. Dapat kapag tayo ay binigyan ng minsitry, gampanan natin ito ng buong puso at bukal sa puso. Dahil kung ginagawa mo ito para sa tao,sinong niloloko mo. At kapag naman may ginawa tayo sa ating kapwa or anything na para sa Church, wag tayo mag eexpect ng kapalit. Example, may ipinagawa sa yo, wag ka maghintay na bigyan ka o bayaran ka. Dahil sa lahat ng ating ginagawa si Lord ang bahala sa atin. Siya ang bahala sa kung anong reward ang nararapat sa atin.. v. 24 Sabi nga po sa v. 24 may nakalaan na gantimpala sa atin..Alam.nya kung ano ang the best na reward para sa atin.. Pero example, kapag may ginawa tayo. Oo iniisip natin na para kay Lord, wag naman tayo agad agad na magexpect ng reward mula kay Lord. Syempre alam nya kung kelan yung the best time para ibigay iyon. May kanya kanyang talents at gifts na ibinigay sa atin si Lord. Dapat gamitin natin ito para sa kanya at hindi para sa tao. Hindi para magpasikat o magpa impress. Gamitin ito ng hindi naghihintay ng kapalit. Gamitin ito ng buong puso para kay Lord.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.