read.cash Log in
@Gwenie

Opinyon ko lang

Naisip ko, minsan ang social media, madami din hindi magandang epekto. Halimbawa sa isang relasyon. Lagi mo nakikita na yung boyfriend/girlfriend ng kaibigan mo ay ma-effort. Lagi tini-treat si partner, lagi nagbibigay ng gamit o flowers, o lagi sweet. Doon ka magsisimulang kwestyunin kung bakit nga ba yoong partner mo ay hindi ganoon. Bakit nga ba hindi niya magawa o maibigay sayo ang mga yoon. Iko-kompara mo na lahat. Hanggang sa mangingibabaw na sayo ang pagkukulang ng partner mo. Minsan nagiging sanhi ito ng away o hiwalayan. Sana huwag humantong sa ganitong sitwasyon. Ang masasabi ko lang, matuto sana tayo makuntento. Kung may pagkukulang man ang iyong partner, isipin mo ang mga magagandang side niya at nagawa niya. Magkakaiba ang love language ng tao. Ang mahalaga ay matuto tayo magtiwala at makontento. Yoon lamang po. Kung meron man kayong komento tungkol sa topic na ito, ikomento lamang. Hindi ko rin sinasabi na nangyayari ito sa lahat at ito po ay pawang OPINYON KO LAMANG. Maraming salamat ❣️

50¢

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.