Ano daw ang tawag sa saging na mahilig mag-sorpresa? Sagot: 'Turon' ( Charan.....! ) π Waley na joke lang ng mga kasama ko yan kaya nevermind..π Nakakatuwa lang 'tong turon na meryenda namin ng mga ka-work ko. Sobrang laki parang 12 inches ang haba. 15 pesos lang isa nian solve na solve kana, until now nga diko pa nauubos, 20 mins.nako kumakainπ Mas masarap pa sa turon ng SM na 25 pesos. Sulit na sulit na talaga kasi may langka din sya at sakto lang tamis. Hindi rin makapal ang balot kaya malalasahan mo talaga ang saging at langka.π Happy tummy na naman kahit turon lang meryenda..π Kayo jan guys, ano nakakabusog niyong simpleng snack?
5 comments
pasok na pasok ang joke mo sa turon ah, sakto din na yan din ang meryenda na binili ng anak ko kanina sa naglalako bago umulan haha
Kaya nga sakto sa maulang panahon
Nainggit naman ako sis. Hehe. Sarap ng turon. Ako naman gusto may cheese.
Haha magturon kana din sis. Kaso diko pa na-try yung may cheese, dun lang sa malagkit turon ko natikman ganun.
Happy tummy na naman...meriendang pang araw araw hehe...ttuuurrrooonnn