read.cash Log in
@Great_Influence

@Great_Influence in October 2022

@Great_Influence

Sometimes, The longest distance we travel Is the sixteen inches between our heads and our hearts.

@Great_Influence

Good evening Friends, Mag 8 months na ako sa trabaho ko ngayon. Kaya kung napapansin nyo, nawala ako sa noise.cash Nahirapan ako sa pag adjust, Lalo na sa time management. Hindi pa nman siguro ako huli dito. Gusto ko nang bumitaw 🎢🎡🎼 (sa trabaho πŸ˜‚) Pero ayaw pa ng Puso.... (marami kasing bayarin) Dito ko e share ang mga frustrations, I mean Inspirations pala ✌️

@Great_Influence

Hi guys, welcome back to my NOISE channel πŸ˜‚ Pag may pasok sa work, ang gising ko mga 7 am, Naka set ang alarm ng cp ko ng 6:30 am. Then commute puntang work, uwi ng 7 pm, tulog mga 10 pm. Paulit ulit yan na ang naging routine ko everyday, Gustuhin mang bumitaw, pero Hindi pwede. Puro na senior citizens ang parents ko, gusto ko tulungan sila. Kahit papano may maiabot ako sa kanila tuwing sahod. Kayo, para kanino kayo lumalaban?

@Great_Influence

Malamig na hapon guys, umuulan parin Dito. Kanina maaga ako umalis papuntang work, Grabe na talaga ang pagmahal ng pamasahe, Naalala ko dati 7 pesos lang yon, Ngayon 15 na. Buti patong MyBus libre lang, Marami ang sumakay Dito na mga trabahante papuntang City. At least makatipid sila sa pamasahe. Umupo muna ako jan, medyo napaaga ng dating. Buti narin para di ma late, Kasi minsan binabaha Ang Daan Dito Mag ingat Tayo palagi guys !

@Great_Influence

Tumigil na ang ulan dito, malamig na evening Friends. Salamat nga pala sa mga nag send sa aking donation address. Marami palang options na pwede mong gamitin sa donation, May PayPal din sa options. Kakauwi ko lang galing sa work, Maaga akong nag out this time, Kasi medyo masakit Ulo ko. Mostly kasi nag eextend ako ng mga 30 minutes sa work, But this time kailangan on time uwi, Inaalala ko din baka umulan uli, Hirap pa naman sumakay pag maulan.

@Great_Influence

Great Morning Everyone, Alam nyo, everyday ako nag ro-road trip, Pero papuntang trabaho nga lang, hahaha. Sa totoo lang eni-enjoy ko lang, Ang pagsakay papunta sa trabaho. Instead na iisipin ko ang trabaho na gagawin ko pagdating, Nakikinig na lang ako ng mga acoustic cover. Sa araw araw ko na pag commute Palagi Kong narerealise na swerte tayo na may trabaho. Pero di maiiwasan na gusto mo ng bumitaw, Malapit na December sayang 13 Month hahaha.

@Great_Influence

Good afternoon Friends, Medyo busy lang sa work kaya di ako active kanina, Nag 15 minutes break lang ako ngayon kaya nakapag post. Nag snack nadin ako, Kasi mga 8:30 pm Ako mag out ngayon. Actually, pangalawang beses na Ako nag snack hahah. Sumilip Ako kanina sa labas, Mukhang nagbabadyang uulan na Naman. Wala pa namang dalang payong Ngayon. Sa mga pauwi galing work, keep safe po.

@Great_Influence

Great Morning Everyone, Pag uwi ko kagabi galing trabaho, Di na ako naka bisita dito bigla kasing sumakit ulo ko. Di muna ako nag cellphone kagabi para makatulog agad. Pagod din ako sa work kagabi. Panibagong araw na naman, Panibagong hamon ang haharapin pero kakayanin. Weather update dito samin hahaha Medyo okay na ang panahon, dumidilim parin ang langit, Pero di na umuulan. Malamig na ang ihip ng hangin, Di ko alam kung sa Pasko ba to O sa bagyo hahaha

@Great_Influence

Kakarating ko lang dito sa work, buti nalang Hindi masyadong traffic. Nag suggest nga pala ako kay Simon, I think isa Siya may ari ng noise.app o di kaya Isa sya sa mga developer nitong app. Sana magkaroon ng short videos Dito, pero nag alinlangan pa sila, Kasi may nauna ng mga successful projects. Pero econsider parin nila. Ano sa tingin nyo guys, maganda ba na may ma e share tayong short videos Dito? Comment your thoughts πŸ˜‚

@Great_Influence

Good evening friends, Mayamaya, uuwi na ako. Di mo na ako mag extend, wala din namang bayad πŸ˜‚. Isa sa mga gusto ko dito sa work ko ngayon is yong WIFI nila ay free at mabilis hahahha. Unli nood sa YouTube, mahilig ako mag download ng mga acoustic cover ng mga popular songs. Sumilip ako kanina, wala namang ulan, pero makulimlim ang langit. Sana hindi umulan ngayon, wala pa naman akong dalang payong. Sa mga bumibyahe pala at sa mga pauwi galing work keep safe po kayo.

@Great_Influence

Hello Friends, Kakarating ko lang sa bahay, medyo traffic nga lang. Pero at least hindi umulan, pag nagkataon mahirapan ako umuwi. Paskong pasko na dito sa mall, may Christmas decorations na. Sana maging masaya ang pasko ngayong taon, Sa mga nasalanta ni bagyong Paeng, ipagdasal natin sila, Na kahit papano maira-os nila ang pasko.