read.cash Log in

@Grace07

Joined 9 June 2021 · 1886 posts

Saved by grace ❤

120 KT

0 KT · 20¢ received · 0 KT · 1¢ given

Posts

@Grace07

Byahe nanaman! Kahit puyat walang makakapigil sa pagbyahe. Isang oras lang tulog. Dahil sa kailangan kong tapusin ung preaching ko kagabi, hindi ko namalayan inumaga na pala. 6 am na ko natapos. Kaya umidlip muna ako ng isang oras, tas byahe na agad.kaso sobrang hirap mag hintay ng masasakyan kaya inabot na ko ng ganitong oras. Tagal pa naman byahe.

@Grace07

Pusit at lilot balatong for my lunch. Madami yang pusit kaso yan nalang napicturan ko. Apat na piraso ding pusit ang isang sukat nila sa karenderya. Syempre hindi din mawawala ang panghimagas.

@Grace07

Kain po tayo! Yan lang muna dinner ko. Tinamad na akong lumabas para bumili ng lutong ulam, kaya sinipag nalang akong magluto ng noodles at magprito ng patatas. Nabusog naman na ako agad! Hirap ubusin nong noodles.

@Grace07

Maulang umaga po sa lahat! Tinamad akong gumising ng maaga dahil sa ulan at kunting kulog. Ngayon naman tinatamad na din akong pumasok, pero kailangan. Kaya kain po muna tayo bago pumasok. Bumili lang ako jan sa tapat para diretso kain na. Kailangang kumain bago pumasok e.

@Grace07

Meryenda bago mag dinner. Tagal ko na din hindi nakakain ng ganto. Buti nalang may benta si ate kanina, nakabili ako. Para kahit late na ako makapagdinner ngayon busog parin. Na stress ako ngayong araw kaya idadaan ko nalang sa pagkain.

@Grace07

Vikings! Haha. First time kong sumakay dito. Nong pinapanood namin ung mga nakasakay, sabi ko ayaw ko nang sumakay, haha pero sumakay parin ako. At grabe ung experience, pakiramdam ko mahuhulog ako.. Hnd ako marunong sumigaw, pero dahil sa vikings sigaw ako ng sigaw. Haha At dahil dyan ayaw ko nang umulit..

@Grace07

May mga makukulit na batang nagpapicture sa akin. Kaya ayan pinagbigyan since madalang ko lang sila makita sa isang linggo. Sinubukan ko ding iedit ang picture nila sa lightroom, di ko to alam gamitin datin, pero ngayon nagagamit ko na kahit papaano. Solid tong app na to for photo editing. Ito din gamit ng kakilala kong photographer e, at maganda naman mga captured photo at filters nya.

@Grace07

Sa wakas dumating na ang aking shopee order. May sandals pa yan, kaso di ko na pinicturan. So far, maganda naman ung dumating. Kala ko di aabot, kailangan ko na kasi yang cp holder next week e para sa online class. Tagal ko din hindi nag shopee, kelangang magtipid e, ngayon naman medyo sunod sunod ang binili ko. Di bale improtante naman at siguradong magagamit ko.

@Grace07

Yan ulam ko ngayon, pares. Kaso hindi ko masyadong bet timpla nila ngayon, saka ung laman, mas madami akong tinapon kaysa nakain.. Gabi na din kasi kaya siguro ganyan nalang natira, halos wala ng laman puro litid nalang.. Nakakatawa pa kasi nong papunta ako para bumili, nasa highway na ko saka ko narealize na wala pala akong facemask, kaya bumalik ako ulit sa boarding house para magfacemask. Hehe

@Grace07

Crispy hipon plus lilot balatong for lunch. Gusto ko ng dessert pero parang di ko na mauubos lahat. Sobrang busog na ko. Hehe Namiss ko kasi kumain ng crispy hipon kaya ito na inorder ko. Sulit naman

@Grace07

Sa halagang 120 pesos nakabili ako ng pang porma. Uso ukay ukay ngayon, at okay naman bumili sa ukay ukay. Karamihan sa damit ko pangchurch ay binili ko lang sa ukay. Sulit na sulit, mura na mukhang mamahalin naman, dahil karamihan sa ukay ay branded. Noon ayaw kong bumili ng ukay, pero nong nakikita ko karamihan sa kakilala ko ay sa ukay lang bumibili, nahumaling na din ako.

@Grace07

Late lunch ulit kanoise. Yan ulam ko ngayon, calamares at monggo. Nakakasawa na kasi ang puro karne. Kaya calamares nalang pinili kong bilhin. At parang mapapadami pa ako ng kain ngayon dahil sa monggo. Gustong gusto ko tlaga ng monggo. Dati pagnagpapakulo si mama ng monggo, naghihiwalay ako ng para sakin tapos lalagyan ko ng asukal at gatas. Yun ang ang meryenda ko. Ehehe

@Grace07

Magandang umaga! Kain po tayo, at itlog nanaman ulam ko. Madalas itlog ang niluluto kong pang almusal, yan kasi pinakamadaling lutuin e. At pwedeng lutuin sa ibat ibang paraan. Sa lunch naman bumibili nalang ako ng lutong ulam. Nakakatamad magluto e saka tipid pa sa gasul.

@Grace07

Yong pa start na klase nyo pero ung laptop mo ayaw makisama! Ang saklap, kinabahan na ko kala ko malilate na ko. Buti nalang biglang bumilis din. Nag online na muna ako sa phone ko para kahit paano makapag attendance, buti nalang umabot pa rin. Next time, 30 minutes before class mag oopen na ko ng laptop. Hirap magka minus points dahil sa late

@Grace07

Meryenda habang di pa nag istart ang klase ko. Mag didinner na sana ako kaso busog pa ko. Kaya mamaya nalang sa break namin

@Grace07

Makulimlim nanaman ang langit, mukhang bubuhos nanaman ang ulan mamaya. Sana'y di masyadong malakas, o kung umulan man hindi sa oras ng uwian. Mahirap umuwi ng umuulan. Ingat po ang lahat

@Grace07

Good morning noisemates! Yan lang muna baon ko sa office ngayon. Baka hindi ko din kasi maharap kumain sa sobrang dami kong kailangang gawin ngayon. Cut off kasi, tapos sumabay pa sa problema ang mga walang internet na branches. Di bale dinamihan ko nalang kinain kong almusal.

@Grace07

T'was a super productive day! Natapos ang araw na ito na sobrang saya at sarap sa feeling. Ganda ng mga bago kong natutunan ngayon. Nakakamangha, sarap mag aral. Overtime kami sa klase pero sulit na sulit, bitin pa nga e. Di ko namalayan ung oras, kakain palang tuloy ako ng dinner. Dati kasi habang nagkaklase kumakain ako. Ngayon di ko magawang tumayo at umalis sa harap ng laptop ko.

@Grace07

This is my daily routine. Before doing anything in the morning, I see to it that i have read my bible and seek the Lord first! He must be the first priority. Sarap lang magbasa at kilalanin pa ang Diyos through His words. Sarap magsimula at matapos ang araw seeking the Lord. Happy day everyone!

@Grace07

Nakita ko lang tong picture sa facebook, bigla akong natakam. Kaso tinatamad na akong lumabas para bumili, late na din kasi at katatapos lang ng ulan. Bukas, bibili talaga ako nito. Buti nalang may nagbebenta nito sa daan pauwi ng boarding house. Na excite na ko. Haha, baka mapanaginipan ko pa mamaya. Haha

@Grace07

Grocery time! Dinagdagan ko na pinamili ko para di na ako maggogrocery next week. Start nanaman kasi ng online class ko kaya tinatamad na akong lumabas labas. After work, uwi na agad para makapagprepare naman sa klase.

@Grace07

Feel at home ang pusa. Pusa yan ng kapitbahay namin, pero madalas siya sa bahay dahil nakikipaglaro siya sa pura ko. Nakakainis lang minsan kasi nagnanakaw siya ng ulam. Hehe. Edited: hindi ko pala naupload ung picture nong pusa. Haha

@Grace07

Ito muna meryenda ko ngayon, toasted bread na may peanut butter at ice cold milo. Lapit na magdinner pero nagawa ko pang magmeryenda. Maaga kasi kami nag didinner dito sa bahay, sana makakain pa rin ako ng kanin mamaya. Hehe

@Grace07

Magandang Hapon noisemates, ice candy po tayo para sa maalinsangan na panahon. Baka mamayang gabi uulan nanaman. Hinati ko lang ung ice candy dahil di ko kayang ubusin ung buo. Hindi kasi talaga ako mahilig sa ice candy, mas gusto ko pa ang ice cream.

@Grace07

Nag try ako mag bake ng chocolate cake, kaso sa Leche plan pan ka lang nilagay. Di na masama para sa first time. Hahaa Magandang tanghali noisemates, ulan nanaman.. May pupuntahan pa naman kami ngayon. Hirap lumabas ng umuulan. Sana tumila na pag paalis na kami.

@Grace07

Good morning Noisemates! Share ko lang picture ko. Hahaa Feeling ko maganda ako sa picture na yan, kaso biglang may nagcomment sa my day ko sa fb na weird daw ng suot ko. Haha Kaya tinanggal ko nalang sa myday. Di talaga ako magaling pumili at magdala ng damit. Hehe

@Grace07

Sharing this photo na nakuha ko kanina habang nasa byahe. Ang refreshing lang sa mata ng mga kulay. Hirap nga lang kumuha ng picture habang nasa bus. Sobrang lakas ng hangin, feeling ko mabibitawan ko ung cellphone dahil sa bilis ng bus. Hehe Anyway, malapit na ko makarating sa bahay. Hnd nanaman ako nakatulog sa byahe, hindi tuloy nabawi ang puyat ko kagabi

@Grace07

Yan po muna almusal ko bago umuwi sa bahay namin. Kape at sumulat muna ako ng article sa read.cash.. Gusto ko din sanang maging addict sa kape e, haha. Kaso di kaya, nagsusuka ako after magkape, minsan nagpapalpitate pa. Pero nagkakape pa rin. Hehe