Yong kahit nakahiga ka pa, o kung ano mang ginagawa mo, kapag bigla mong narinig na may sumisigaw ng 'taho' napapabangon at mapapatakbo ka talaga para habulin si kuyang nagtataho. Buti nalang at may nakalapag na na barya sa table ko kaya mabilis akong nakalabas at naabutan ko si kuya. Nakamotor kasi sya at paalis na din sana, huminto lang kasi sya saglit sa harap ng gate.
No comments yet