read.cash Log in
@Grace07

Tatlong araw na mula nong na suspend ung facebook account ko. Nagtaka ako kung bakit nasuspend, wala naman akong naviolate. Pero nalaman ko, na hack pala ung account ko, at ang ginawa ng hacker ay nag post ng malaswang larawan ng mga bata sa my day story ko. Nakakahiya dahil nakita ito ng ibang fb friends ko. Napakabilis ng pangyayari, naglaba lang ako saglit, pagbalik ko suspended na ung account ko. Kinaumagahan, nagmessage sa isang account ko ung churchmate ko para tanungin kung anong nangyari. Napag alaman ko din na ginamit ng hacker ung account ko para makapag run ng fb ads para sa isang clothing page sa vietnam, dun ako lalong kinabahan dahil baka bigla akong macharge ng facebook. Ngayon hinihintay ko paring matapos ung restriction ng account ko. Nabuksan at nakapagpalit na ko ng password pero hindi parin ako makapag message, post at comment. Hindi ko din madelete ung fb ads na ni run nila. Hoping na madelete ko ito soon pag nalift na ung restriction ng account ko. Ingat po tayong lahat noisemate dahil nagkalat ang mga hacker

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.