"Mahirap iligtas ang taong ayaw magpaligtas!", narinig ko lang sa pinapanuod ng mga pamangkin ko, simpleng phrase lang yan pero lakas ng impact! Alam nyo ba na 2000+ years ago ay iniligtas na tayo ng Diyos mula sa kamandag ng kasalanan at kamatayang spiritual? Libre itong ibinigay ng Diyos para sa lahat ng tao, pero mapapasaatin lamang ito kung tatanggapin natin, kagaya ng isang regalo, hindi ito mapapasayo hanggat hindi mo ito tinatanggap! Ang kaligtasan na ibinigay ng Diyos ay isang regalo, kailangan nating itong tanggapin para ito'y mapasaatin! Ang tanong tinanggap mo na ba ang regalong ito? Iniligtas na tayo ng Diyos, sana huwag na tayong umalis pa sa kaligtasan na yan! Tanggapin si Jesus bilang Panginoon at tagapagligtas at hayaan Siyang pagharian ang buhay natin.. Happy independence Day! Pinalaya na tayo ng Diyos mula sa kasalanan, mamuhay na tayo ng totoong malaya sa piling ng Diyos.. Malaya na tayo! Kaya mamuhay tayo sa kalayaan..
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet