read.cash Log in
@Grace07

@Grace07 in September 2022

@Grace07

Late lunch mga noisemates! Tokwa't baboy ulit ulam ko ngayon. Sarap ng pagkakaluto kaya pag may gantong recipe si ate ito na agad binibili ko. Mas masarap ko ito kaysa dun sa dati kong binibili.. Kumain na po ba ang lahat. Maganda sana maglaba ngayon habang sumisilip pa ang haring araw. Baka kasi mamaya makulimlim nanaman, kaso mas gusto ko nalang umidlip pagkatapos kumain.

@Grace07

Batchoy sa malamig na panahon. Mas preferred ko talaga mag ulam ng ma sabaw, mas napaparami kain ko.. At syempre bukod dyan, dahil may bentang sopas si ate, bumili na din ako. Kaya ung sopas ang ginawa kong pang almusal at itong batchoy ay panglunch ko nalang mamaya, kelangan nalang initin ulit para mainit init sya kapag inulam ko na.

@Grace07

Good morning noisemates! Dahil sa tinamad akong magluto ng kanin, kape at pancit canton nalang muna ang almusal ko. Medyo matagal na din namang hindi ako kumain ng instant.. At dahil hindi ako uuwi samin dahil nagmahal na din maski ang renta sa boarding house, gagala ako mamaya after maligo. Sana hindi na umulan para mas masaya. Tas bukas lalabas ulit papuntang church! Parang ang dami kong pera pang gala a.. Haha

@Grace07

Nakakain na po ba ang lahat? At dahil maulan ang panahon, mas ninais ko nalang mag ulam ng tuyo, kamatis at pipino. Tagal na din akong hindi nag ulam ng ganito dahil puro bili sa labas ang ginagawa ko, gawa ng nakakatamad magluto. At kita nyo naman, ubos ko ang pagkain ko. Di ko nga lang kanain ang ulo. Ewan ko ba, di ko talaga kinakain ang ulo, maski sa dilis inihihiwalay ko. So ayan, pahinga din muna ako. At maglalaba pa ko mamaya.

@Grace07

A productive sunday noisemates! kahit pabigla bigla ang ulan, nakaattend ng sunday church service at victory church (not my home church) umattend lang ako since hindi ako nakauwi samin. Then after nito, naglibot ako para maghanap ng nagrerepair ng necklace, naputol kasi kwintas ko e, sayang naman kung di ko ipapaayos. Kaso di ko napaayos dahil sarado ung legit na nag aayos. Narami akong nadaanan, pero di daw nila kayang ayusin. Then, biglang nagmessage ung churchmate ko, may…

@Grace07

Good evening noisemates! Hindi ako nagda diet pero ito muna dinner ko ngayon. Busog pa din kasi ako e kaya hindi na ako kakain ng kanin.. Mabigat na din kasi sa tiyan tong bread na niprito ko kasama ang scrambled egg. Tas syempre may pipino at pritong patataas din at kamatis na may itlog maalat.. Di ko kasi kayang kainin ung pipino pag nilagyan ng suka, mabilis nagngingilo ung ngipin ko.

@Grace07

Snack muna bago matulog! Just add water lang dapat to pero nilagyan ko pa ng gatas at honey para mas masarap. Matutulog akong solve ang tiyan, pero syempre hindi ako matutulog agad dahil mahirap matulog ng busog. Kaya magbabasa at gagawa muna ako ng devotion journal. Para busog na ang tiyan busog din spirituay. Thank You Lord!

@Grace07

Magandang umaga noisemates! Kain po tayo ng almusal.. Dami kong ulam, itlog maalat lang dapat plano kung ulamin ngayon, kaso naisip kong magluto ng tuyo. At nong kakain na sana ako, prang gusto ko ng sabaw kaya pumunta akong karenderya sakto may sopas sila kaya bumili na din ako. Ung itlog babaunin ko nalang yan, pampalaman sa sandwich na baon ko sa office. Kain po tayo, huwag palipas ng gutom..

@Grace07

Dami ko pang kailangang imemorize para sa final exam namin. Kaya naisipan kong ilagay sila sa wall ng kwarto ko, para everytime nanbabangon ako sa higaan ko at mapapatingin sa wall naiisipan ko silang basahin hanggangntumatak sa utak ko. Hehe. At in fairness effective naman talaga. Kaya bago ako matulog magmememorize ulit ako.

@Grace07

Good morning noisemates! Ngayon nalang ulit ako nakapagluto ng ulam na gulay. Repolyo at cornbeef.. Luto luto muna ulit ako, pass muna sa bili sa labas, dahil nagtitipid tayo at kelangan muna magtipid lalo tumaas na lahat ng bayarin.

@Grace07

Good morning noisemates! Tried this for my breakfast, bread na ni-dip ko muna sa scrambled egg saka iprinito, so far masarap naman lalo nat nilagyan ko ng honey bilang palaman.. Pero dahil fried sya, medyo nakakasuya ung oil kaya need din muna tanggalan ng excess oil para di masyadong oily.

@Grace07

Good morning! Coco crunch muna almusal dahil tinamad na kong magluto. Thanks God it's friday, ang araw na pinaka inaabangan ng lahat, mapa studyante man o mga nagtatrabaho. At dahil friday ngayon, mag aundertime ulit ako sa work para makaattend sa youth fellowship namin sa church.. Dami ko nang undertime pero okay lang. Hehe

@Grace07

White flower muna,nahirapan akong huminga dahil sa baradong ilong. Hirap ng ganito, runny nose lang to kanina ngayon barado na yas may dry cough pa. Di na ko nag electric fan para mapagpawisan ako at medyo umokay naman na pakiramdam ko.. Tutulog na din ako after nito. Akala ko talaga kanina kung wala ng noise.cash dahil pag open ko, wala nang nag aappear. Pati account ko hindi ko na makita mga post.

@Grace07

Sinigang na hipon for dinner! Sakto dahil kailangan ko ding kumain ng maasim dahil sa sipon ko. Hirap huminga, sama na din ng pakiramdam ko. Hirap ng may masama kang iniinda tapos walang mag aalaga sayo. Haha. Pero okay lang. Kaya naman. Hehe. Pahinga na din po ako kanoise, laba lang ako ng uniform tas tulog na din.

@Grace07

Umay na ko sa gamot. Ang hirap magkasakit lalo na kapag mag isa ka lang. Di ko na sinabi sa bahay na may sakit ako, buti nalang kaya ko pang tumayo at pumasok sa work kahit di ako okay. Uso ata ngayon ang sipon.

@Grace07

Good morning Noisemates! Lomi muna breakfast ko dahil hindi pa luto ang nilagang baka na niluluto ni ate, panglunch ko nalang un, kaya lomi nalang muna binili ko. Salamat din sa Lord dahil okay na pakiramdam ko, sipon nalang at kunting ubo. Sana ay magtuloy tuloy na ang paggaling. Kagabi medyo hindi pa okay ang pakiramdam ko, kaya habang nasa online class ako, nahiga muna ako habang nakikinig, kaso ang saklap dahil nakatulog pala ako at paggising ko tapos na ang klase namin.…

@Grace07

Good morning! Magtotoothbrush na sana ako e, kaso bigla akong may narinig na sumisigaw sa labas ng 'taho'. Kaya dali dali akong lumabas para habulin si kuyang magtataho. Haha. At pinalad naman akong maabutan siya dahil bumili din pala ung nakatira sa harap. Kaya happy tummy ulit. Nakakamiss ang taho sa umaga..

@Grace07

Yay! Chicken kare kare for my breakfast. Namiss ko mag ulam ng ganto. Buti nalang maaga nakapagluto si ate, minsan kasi late na kaya kung ano nalang pwede mabili un nalang binibili ko para hindi din ako masyadong malate sa work. Sayang din ung kaltas sa sahod. Kahit sabihin kong di na ako malilate, nalilate pa rin talaga ako.

@Grace07

Late lunch po noisemates. Sinigang na bangus ang ulam ko. Mas madami talaga ako nakakain kapag may sabaw, kaya pag pupunta ako sa karenderya mas pinipili ko sa menu nila ung may sabaw para ganahan akong kumain.. After nito, pahinga lang ng kunti tas idlip saglit bago pumasok ulit sa trabaho.

@Grace07

Magandang buhay noisemates! Inihaw na isda for my dinner. Sarap nito, hindi nakakasuya dahil walang mantika. At syempre may bagoong at kalamansi akong sawsawan. Kaya masarap sa probinsya e dahil sa mga ganitong ulam.. Hindi ako mahilig sa isda lalo na pag malalaki, pero dahil sa ulam na to mapapakain ako ng marami.

@Grace07

Ano kayang problema kapag nag error ng ganito ang laptop? Ganyan siya tapos magpi flickering na siya. Akala ko ung screen ang problema, pero sabi nong kakilala ko hindi daw, sinubukan na din niyang itroubleshoot kaso di niya narecognize kung ano talaga ung problema.

@Grace07

Been experiencing this kind of error on my laptop. This error is called the 'blue screen of death'. Tried researching about the possible cause of this problem, but it is really difficult to find out because of many possible reasons behind it. I thought i already fixed it since the error did not appear for few days, but it appears again a while ago. Tried fixing it again by watching some tutorial on youtube. Hoping it works now. If you have an idea about this issue or…

@Grace07

Welcome October! Bilis ng araw, lapit na ulit ang december. Parang kailan lang nong nagcelebrate tayo ng Christmas at New Year, ngayon malapit na ulit. Gawin natin ang natitira pang araw ng 2022 na masaya at memorable. May we all experience the joy and peace that comes from the Lord. Hindi man madali ang sitwasyon at nararanasan natin, nawa ay patuloy tayong maging mapagpasalamat sa Diyos. Godbless everyone.