Kain muna bago matulog. Kanina pa ako inaantok pero pinipigilan ko lang na pumikit ang mga mata ko. Sabi ko maaga ako matutulog pero late pa rin pala. Ang bilis kasi ng oras. Di ko nanaman nagawa ang kailangan kong gawin. Kung bakit ba kasi mas sisipagin kang gunawa pag alam mong kelangan nang ipasa.
@Grace07 in August 2022
Ganda pagmasdan ng sunset! Nakaka refresh at nakakawala ng stress. Surely, nature lovers can relate to this. Yong mapagmasdan mo lang ang paligid habang lumububog ang araw, the best yun.
Nilagang baboy sa maulang umaga. Nakakatamad tuloy pumasok ng ganito ang panahon. Sana hindi na masyadong lumakas ang ulan. Ingat po ang lahat, mahirap magkasakit sa panahon ngayon.
Good morning! Kain po tayo noisemate. Kakain ako nhayon ng almusal dahil papasok kami para mag ayos ng files sa office. Dapat pauwi na ko ngayon e, pero kailangang pumasok kaya nagpaalam nalang ako na magha half day.
Tupig! Favorate ko to twing bumabyahe daming umaakyat sa bus. Worth 100 lang, dami na at sobrang sulit. Madami yan, kaso dalawa nalang nakuhaan ko ng picture.
Nilagang karne ng baboy para sa makulimlim na tanghali. Late lunch nanaman ako. Kaya susulitin kong kumain ng marami. Mas napaparami talagabang kain pag may sabaw. Mapapasabi ka nalang din ng sabaw palang ulam na.
Dumating nanaman ang parcel. Ubos pera nanaman ito. Hehe. Pero syempre need ito, hindi naman siya wants kaya okay lang.. Minsan nakaka adik nang mag add to cart, pero kailangan nating maging wise na mga binibili natin. Baka kasi nasilaw lang tayo sa sale tapos in the end itatambak lang natin sa sulok at hindi na mapapakinabangan. We must learn to use our money wisely, lalo nat hindi naman madaling kitain ang pera. (edited) nadelete ko unang post ko, kaya inulit kong ipost.
Lakas nito pampawala ng stress.. Haha Kaya magandang umorder online e, may nabili ka nang item, may pang stress reliever ka pa. Sarap sa feeling putukin mga bubbles. I need more of this. Haha. Daming stress na kailangang pakawalan e.
Ito ngayon ang nilalagay ko sa face ko every morning at evening, kahit 2 days ko palang ginagawa, nakita ko na agad result nya. Naglilighten talaga ung face ko at medyo kumikinis na sya. Ang lambot pa sa mukha. Natural na, nakatipid ka pa kaysa bumili ng mga mamahaling pampahid.
Milk with honey muna. Di kasi pwede ang kape dahil tiyak mahihirapan nanaman akong makatulog. Yong feeling na kapeng kape ka na pero hindi pwede. Saka iwas na din ako sa kape ngayon dahil madalas naduduwal ako pag nagkakape, hindi ko alam kung bakit.
Good morning noisemates! After ilang days na tahimik ako dito sa noise, dahil sobrang busy ko nitong mga nakaraang araw. Share ko lang ulam ko ngayon, tokwa't baboy! Sarap! Buti nalang umaaliwalas na din ang panahon. Sana hindi na umulan ngayon lalo na bukas dahil may event kami sa church. Mahirap kasi pag umuulan.
Good morning! Feeling photographer muna ako ngayon, try lang sa alaga kong pusa.. Natuwa naman ako kasi nakicooperate sya sa pictorial na ginawa ko. At maganda din naman kinalabasan kahit papano. At na enhance din dahil sa filter na ginamit ko.
Dinner tayo noisemates! Tagal ko nang hindi nagluto dahil laging bumibili ng ulam. Ngayon kailangan ko na ata ulit magluto para mas makatipid. Nagtaas na lahat ng bilihin, sahod nalang ang hindi.
Ingat po tayong lahat noisemates! Itinuturing ito ang pinakamalakas na nabuong bagyo ngayong taon sa buong mundo. Nawa ay ingatan tayong lahat ng Panginoon, at iiwas sa nagbabadyang bagyong ito. God is Sovereign and in control, all we have to do is to trust Him.
Good morning noisemates! Kain tayong mainit na sopas sa malamig na panahon. Medyo madilim at makulimlim na sa labas sa nagsisimula na din ang kulog. Ingatan po tayong lahat ng Panginoon. Nawa ay hindi na matuloy na maging supertyphoon ang paparating na bagyo..
Sarap sana umiglip ngayon habang break time,lalo nat malamig at makulimlim ang panahon. Kaso 10 minutes nalang natitira, mag iin na ko ulit, at sobrang nabusog ako sa lunch ko pati na sa mocha frappe na ito. Tagal ko na din palang di nakabili ng ganto, buti nalang may nagbirthday at nanlibre.
Bigay to kanina ng landlord ko, natuwa ako kasi may pang dinner na sana ako. Kaso nong ipiprito ko na sana, nakita ko may mga uod na pala. Kahit nasasayangan ako tinapon ko nalang.. Ayaw ko sanang isipin na kaya lang binigay ay dahil sira na, pero parang ganun na nga. Tinanong ko din kabilang kwarto kung binigyan din sila, at binigyan din daw nong isang araw pero iba na amoy kaya tinapon nalang din nila. Sayang! Kaso kilangan nang itapon, baka sumakit pa tiyan namin..
Thanks God it's Thursday! Sana Friday na agad.. Good morning! Pear sa umaga bago kumain ng almusal. Gutom na ko kaso nagluluto palang ako ng kanin, at sigurado wala pa ding nalulutong ulam dyan sa may karenderya, kaya kakain muna ako ng prutas, para healthy. Hehe.. Yong iba, ayaw nila tong prutas na ito dahil para daw silang may nginunguyang buhangin, pero sakin okay lang naman lalo na kung matamis, at matamis naman itong nabili ko.