read.cash Log in
@Grace07

@Grace07 in June 2022

@Grace07

Makulimlim nanaman ang langit, mukhang bubuhos nanaman ang ulan mamaya. Sana'y di masyadong malakas, o kung umulan man hindi sa oras ng uwian. Mahirap umuwi ng umuulan. Ingat po ang lahat

@Grace07

Meryenda habang di pa nag istart ang klase ko. Mag didinner na sana ako kaso busog pa ko. Kaya mamaya nalang sa break namin

@Grace07

Yong pa start na klase nyo pero ung laptop mo ayaw makisama! Ang saklap, kinabahan na ko kala ko malilate na ko. Buti nalang biglang bumilis din. Nag online na muna ako sa phone ko para kahit paano makapag attendance, buti nalang umabot pa rin. Next time, 30 minutes before class mag oopen na ko ng laptop. Hirap magka minus points dahil sa late

@Grace07

Magandang umaga! Kain po tayo, at itlog nanaman ulam ko. Madalas itlog ang niluluto kong pang almusal, yan kasi pinakamadaling lutuin e. At pwedeng lutuin sa ibat ibang paraan. Sa lunch naman bumibili nalang ako ng lutong ulam. Nakakatamad magluto e saka tipid pa sa gasul.

@Grace07

Late lunch ulit kanoise. Yan ulam ko ngayon, calamares at monggo. Nakakasawa na kasi ang puro karne. Kaya calamares nalang pinili kong bilhin. At parang mapapadami pa ako ng kain ngayon dahil sa monggo. Gustong gusto ko tlaga ng monggo. Dati pagnagpapakulo si mama ng monggo, naghihiwalay ako ng para sakin tapos lalagyan ko ng asukal at gatas. Yun ang ang meryenda ko. Ehehe

@Grace07

Sa halagang 120 pesos nakabili ako ng pang porma. Uso ukay ukay ngayon, at okay naman bumili sa ukay ukay. Karamihan sa damit ko pangchurch ay binili ko lang sa ukay. Sulit na sulit, mura na mukhang mamahalin naman, dahil karamihan sa ukay ay branded. Noon ayaw kong bumili ng ukay, pero nong nakikita ko karamihan sa kakilala ko ay sa ukay lang bumibili, nahumaling na din ako.

@Grace07

Crispy hipon plus lilot balatong for lunch. Gusto ko ng dessert pero parang di ko na mauubos lahat. Sobrang busog na ko. Hehe Namiss ko kasi kumain ng crispy hipon kaya ito na inorder ko. Sulit naman

@Grace07

Yan ulam ko ngayon, pares. Kaso hindi ko masyadong bet timpla nila ngayon, saka ung laman, mas madami akong tinapon kaysa nakain.. Gabi na din kasi kaya siguro ganyan nalang natira, halos wala ng laman puro litid nalang.. Nakakatawa pa kasi nong papunta ako para bumili, nasa highway na ko saka ko narealize na wala pala akong facemask, kaya bumalik ako ulit sa boarding house para magfacemask. Hehe

@Grace07

Sa wakas dumating na ang aking shopee order. May sandals pa yan, kaso di ko na pinicturan. So far, maganda naman ung dumating. Kala ko di aabot, kailangan ko na kasi yang cp holder next week e para sa online class. Tagal ko din hindi nag shopee, kelangang magtipid e, ngayon naman medyo sunod sunod ang binili ko. Di bale improtante naman at siguradong magagamit ko.

@Grace07

May mga makukulit na batang nagpapicture sa akin. Kaya ayan pinagbigyan since madalang ko lang sila makita sa isang linggo. Sinubukan ko ding iedit ang picture nila sa lightroom, di ko to alam gamitin datin, pero ngayon nagagamit ko na kahit papaano. Solid tong app na to for photo editing. Ito din gamit ng kakilala kong photographer e, at maganda naman mga captured photo at filters nya.

@Grace07

Vikings! Haha. First time kong sumakay dito. Nong pinapanood namin ung mga nakasakay, sabi ko ayaw ko nang sumakay, haha pero sumakay parin ako. At grabe ung experience, pakiramdam ko mahuhulog ako.. Hnd ako marunong sumigaw, pero dahil sa vikings sigaw ako ng sigaw. Haha At dahil dyan ayaw ko nang umulit..

@Grace07

Meryenda bago mag dinner. Tagal ko na din hindi nakakain ng ganto. Buti nalang may benta si ate kanina, nakabili ako. Para kahit late na ako makapagdinner ngayon busog parin. Na stress ako ngayong araw kaya idadaan ko nalang sa pagkain.

@Grace07

Maulang umaga po sa lahat! Tinamad akong gumising ng maaga dahil sa ulan at kunting kulog. Ngayon naman tinatamad na din akong pumasok, pero kailangan. Kaya kain po muna tayo bago pumasok. Bumili lang ako jan sa tapat para diretso kain na. Kailangang kumain bago pumasok e.

@Grace07

Kain po tayo! Yan lang muna dinner ko. Tinamad na akong lumabas para bumili ng lutong ulam, kaya sinipag nalang akong magluto ng noodles at magprito ng patatas. Nabusog naman na ako agad! Hirap ubusin nong noodles.

@Grace07

Pusit at lilot balatong for my lunch. Madami yang pusit kaso yan nalang napicturan ko. Apat na piraso ding pusit ang isang sukat nila sa karenderya. Syempre hindi din mawawala ang panghimagas.

@Grace07

Byahe nanaman! Kahit puyat walang makakapigil sa pagbyahe. Isang oras lang tulog. Dahil sa kailangan kong tapusin ung preaching ko kagabi, hindi ko namalayan inumaga na pala. 6 am na ko natapos. Kaya umidlip muna ako ng isang oras, tas byahe na agad.kaso sobrang hirap mag hintay ng masasakyan kaya inabot na ko ng ganitong oras. Tagal pa naman byahe.

@Grace07

Syempre kapag nasa byahe hindi mawawala ang ganito. Pampawi ng gutom sa byahe. Medyo malayo layo pa e. Isang oras pa bago ako makarating sa bahay. Baka sa church na namin ang diretso ko nito dahil anong oras na. May training kami ng 1 pm e. Sakto para hindi masyadong mahal ang arkila ko

@Grace07

Good morning noisemates! While waiting na maging okay ang aking instant food, post muna dito. Mainit na sabaw para sa umagang kay ganda! Medyo bitin ang tulog pero kelangang gumising ng maaga. Pero late nanaman ako sa work ko ngayon. Hehe

@Grace07

Good morning! Yong ganitong almusal lang, sobrang solve na tiyan ko. Knorr soup with egg lang yan at kunting kanin. Mabilisang luto lang dahil late nanaman ako sa trabaho. Ingat po tayong lahat sa buong araw, and let us all be thankful to every blessings we receive, gaano man kaliit o kalaki yan.

@Grace07

Ngunit sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay.’ Lucas 4:4 Good morning noisemates! Busog ako ngayon sa dami ng nakain kong almusal. Pero syempre busog din ang spiritual dahil pagkagising ko palang kanina ay nagbasa at nagmeditate muna ng Salita ng Panginoon. Hindi kompleto ang araw pag walang word of God na nabasa.

@Grace07

Nahihirapan akong kainin dahil ang bilis matunaw. Ayan tuloy inilagay ko nalang sa baso para walang tapon at walang tulo. Hindi pa manlalagkit ang kamay at daliri ko.

@Grace07

Tinamad akong magluto kaya bumili nalang ako ng pang almusal. Mainit a sabaw. Yong 50 pesos ko sobrang dami na. Buti nalang may karenderya sa haral ng boarding house ko. Minsan mas okay na din bumili lalo nat mag isa lang din naman ako.

@Grace07

Lilot balatong. Panghimagas. Yan lang inorder ko sa menu namin sa office dahil marami pang natira dun sa nilagang binili ko kaninang umaga, kaya un nalang din pinanglunch ko ngayon. Medyo nakatipid ako ng kuntindun a. Hehe

@Grace07

Sarap magbreakfast sa gilid ng dagat. Mapapakain ka talaga ng marami lalo nat may kasamang kimchi. Sunrise fellowship namin yan with my churchmates. Biglaan nga lang kaya iilan lang kami. Pero talagang ginawanko best ko para makarating ng maaga sa meeting place kahit galing pa ko sa ibang town at 3 hours ang byahe. Hehe

@Grace07

Bigla akong nagcrave. Napadaan tuloy ako sa Jollibee. Jolly spaghetti at chocofloat lang solve na cravings ko. Magandang gabi po sa lahat. Tinatamad tuloy akong magluto ng pangdinner ko. Bumyahe na kasi ako kanina pabalik dito sa workplace ko kahit wala pa naman talaga kaming pasok. May mga kailangan kasi akong tapusin na report sa klase ko bukas, kaya bumalik na ko.

@Grace07

Isang magandang umaga sa bawat isa. Tayo po ay mag almusal muna bago gawin ang ating kanya kanyang gawain ngayong araw. Iba ung papasok ka sa trabaho o paaralan na busog at may laman ang tiyan.

@Grace07

Ice cream muna tayo bago kain ng dinner kahit medyo makulimlim ang kalangitan. Kala ko kanina uulan na, pero hindi rin nagtuloy.. Sarap kumain ng matamis ngayon, pampawala ng stress.

@Grace07

Magandang umaga! Kain po tayo. Yan pagkain ko ngayon, hindi na ako nagluto ng ulam at kanin. Bumili nalang ako sa harap para wala na akong huhugasang pinaglutuan. Yong almusal ko na hanggang lunch na, dahil hindi na ako naglalunch mamaya dahil direcho byahe na ako pauwi sa amin.

@Grace07

Good morning tuesday! Truly, God's creation is so amazing. Everytime we see it all we can do is worship the Creator. His works declare His glory. He is marvelous and worthy to be praise!

@Grace07

Good morning noisemates! Cup noodles lang muna almusal ko para mainitan ang tiyan. Tas ngbaon nalang ako ng egg sandwich sa office para di gutumin. As usual late nanaman ako makakapasok nito..