read.cash Log in
@Grace07

@Grace07 in March 2022

@Grace07

God has no limits. 😊 Sometimes, we get stuck in disbelief because we forget the truth that God (unlike us) has no limits. Remember, we have limitations—- but our God is without limits. His power is unlimited—His abilities are beyond what is natural. So whatever impossibility you are facing right now, LOOK to God. Pray. Trust. Ask. With God, all things are possible 😊😊😊 God bless you my friend. 😊

@Grace07

I-prioritize mo iyong mga taong concerned at nagtatapon ng atensiyon sa iyo. Hindi iyong wala nang pakialam sa iyo. Hindi lahat ng tao pahahalagahan ang pagmamahal mo. Maging matalino.

@Grace07

True love is an act of faith. Hindi mo alam kung susuklian ang iyong pagmamahal pero nagmamahal ka pa rin. Kasi naniniwala ka, na eventually, love shall beget love.

@Grace07

Special empanada! Sarap nito, ngayon nalang ulit nakakain. Sulit na sulit. Gusto kong tanungin kanina si kuya nagbebenta kung anong ingredients ginamit, medyo kakaiba kasi siya sa usual na empanada na nabibili ko, kaso nahiya akong magtanong. Hehe

@Grace07

Nakakatakot ang presyo ng gasolina ngayon. Hindi ko alam kung makakauwi pa ako sa mga susunod na araw, dahil baka magmahal pa lalo ang pamasahe. Kailangan nang magtipid at unahin ang mga bagay na mahalaga bago ang mga bagay na gusto lang natin. Good night noisemates

@Grace07

Ganda ng tulog niya. Mapapasana all ka nalang talaga, samantalang ako hirap na hirap kunin ang tulog. Safe na safe sya sa braso ko e, feeling baby ang muning. Pero dahil mahal ko yan, sige na nga willing na ko mangawit at mahirapan.

@Grace07

Barbecue para sa kumakalam na sikmura. Satistisfied nanaman tiyan natin dito.. Masarap talaga mga pagkaing pinoy, lalo na street foods. Pero kelangan paring maging maingat sa pagkain, bawal sobra dahil sabi nga nila lahat ng sobra ay bawal at nakakasama sa kalusugan

@Grace07

Siomai for meryenda! Sulit lalo na pag may kasamang soft drinks na sobrang lamig! Sobrang nakakapawi ng uhaw at gutom. Dalawa nalang napicturan ko, yan nalang natira nong naalala kong mag update sa noise cash ko. Hehe Hirap din akong ubusin pala, sobrang nabusog e.

@Grace07

Yon oh! May palibreng facemask, alcohol container at facemask holder si unilab. Sarap ng libre, laking bagay na din kasi to lalo nat kelangan magsuot araw araw.

@Grace07

Sobrang busy ng araw na ito. Sa dami ng dapat gawin halos hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Share ko lang po muna ung almusal ko kanina, pritong danggit. Sa sobrang busy ung almusal ko, gabi ko na iupload dito sa noise. Haha Keep safe everyone

@Grace07

Good morning noisemates! Nakapasyal din sa sunflower farm. Akala ko noon ang sunflower ay tumutubo lang sa malalamig na lugar, kagaya ng baguio. Pero nagulat ako na may sunflower farm pala sa lugar namin, knowing na napakainit dito. Daming dumadalaw sa farm nila, at ang babait ng may ari kasi hindi sila naniningil ng entrance fee. Kaso ung ibang pumapasyal, napakapabaya. Wala silang paki kahit naapak apakan na nila ung ibang puno at bulaklak, basta nalang kumukuha ng buto ng…

@Grace07

Grabe saglit lang ung ulan pero baha na agad dito samin, pumasok na ung tubig sa kwarto ko. Nakakagulat, pagtayo ko madami na palang tubig. Hindi ko manlang namalayan, pero buti nalang hnd nabasa ung extension ko na nakalagay sa sahig. Ingat po tayong lahat

@Grace07

Seafood! Nakakatuwa, pumunta lang kami ng beach para maligo at mag enjoy, pero amazingly dami palang makukuhang lamang dagat.. Hinukay lang namin sa buhangin tong mga shells na to, pero daming nakuha. Ang sarap sa feeling na habang naghuhukay ka, may nakukuha ka.. Nakakaadik syang gawin. Nakakamangha talaga kung paano nilikha ng Diyos ang lahat, at kung paano Siya magprovide para sa mga pangangailangan natin! Faithful talaga ag Diyos!

@Grace07

Handa na ang aking midnight snack mga kanoise. Kelangan ng pampawala ng antok para matapos ko itong kelangan kong gawin dahil kelangan nang maipass bukas.. Idaan nalang muna sa kain para makapag isip ng maayos.

@Grace07

Flex ko lang po itong bulaklak ng halaman ni mama. Hindi ko alam tawag sa halaman na yan e, pero nagandahan ako sa bulaklak niya, kahit hindi naman talaga ako mahilig sa halaman. Hehe Sarap lang titigan at kuhanan ng picture. Good night po

@Grace07

Kain na po tayo! Walang kupas pa rin ang Jollibee mula noon hanggang ngayon. Hindi lang pambata pero pangmatanda rin.. Enjoy your dinner!

@Grace07

God is Love! Minahal tayo ng Diyos hindi dahil kamahal mahal tayo, minahal Niya tayo dahil Siya ay pag ibig. Natural sa Kanya ang magmahal, dahil yan ay katangian Niya! Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. Romans 5:8 Always remember that you are highly and deeply loved by the Creator. Kaya kung feeling mo, walang nagmamahal sayo, mali ka! Dahil una palang minahal ka na ng Diyos, kahit kita…

@Grace07

Bagong ligo yarn, kaya nagpapabilad muna, nangangaripas kasi ng takbo pag binoblower ko. Sabi nila bawal daw paliguan ang pusa dahil uulan, pero pinapaliguan ko parin ung pusa ko, atleast twice a month. Hirap nga lang siya paliguan minsan kasi gusto nya kumawala pag binubuhusan ng tubig.

@Grace07

Kain po muna tayo, pampalipas gutom habang nasa byahe pa. Sarap ng street foods, sinubukan kong magluto ng ganito pero ibankinalabasan, sobrang tigas at hindi dumikit ung harina. Kaya bili bili nalang muna.

@Grace07

Panghimagas po tayo dyan.. Papaya na may condensed milk lang sapat na. Solve na ako sa gantong dessert, kaysa bumili ng mamahalin, ito na muna kinaya ng budget.

@Grace07

Simple picture capture while i am riding on a bus, on my way home. Ganda ng ulap, ganda pagmasdan ng kulay ng langit. Sadyang nakakamangha ang linikha ng Panginoon. Mapapakanta nalang din ako ng "kamangha mangha ang Yong ginawa Purihin Ka, ako'y namamangha Purihin Ka, Sayo'y namamangha!"

@Grace07

Lugaw po tayo mga kanoise, habang busy pa at nakaharap sa laptop. Pero kakain parin ako ng kanin mamaya, gugutumin kasi ako pag ito lang kinain ko. Mahirap matulog na kumukulo ang sikmura. Kain na din po kayo

@Grace07

Calamares + soup = busolve ang dinner Ganyan lang kasimple ang buhay lalo na kung mag isa lang din naman. Let us continually appreciate those small blessings that God is giving us.

@Grace07

Good morning noisemates! Napakabuti ng Diyos dahil binigyan tayo muli ng isang bagong umaga at bagong buhay. Kaya kung nagising ka pa ngayon, pasalamatan natin Siya.. Madaming tao ang hindi na nabigyan ng chance na bumangon at magising ngayon, kaya mapalad tayo. Kain po tayo. Instant muna ang kakainin ko dahil tinamad nang magluto